Sister TikToker, kinagiliwan online; inspirasyon ang hatid sa mga kabataan

Sister TikToker, kinagiliwan online; inspirasyon ang hatid sa mga kabataan

- Marami ang naaaliw sa mga TikTok videos ng madre na si Sister Marlyn Mambusao

- Hindi akalain ng marami na ang madreng katulad niya ay makakasunod sa mga kanta at mga dance moves na napapanahon ngayon

- Good vibes ang hatid niya lalo na sa mga kabataan na nais din niyang mahikayat sa kanyang bokasyon

- Bukod dito, marami rin siya umanong natatanggap na mensahe hindi lamang tungkol sa pagmamadre kundi maging ang tungkol sa payo sa buhay

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Talagang marami ang naaaliw kay Marlyn Mambusao na mas kilala bilang 'Sister TikToker.'

Sister TikToker, kinagiliwan online; inspirasyon ang hatid sa mga kabataan
Sister Marlyn Mambusao (Marlyn Mambusao)
Source: UGC

Nalaman ng KAMI na nag-viral ang ilan sa kanyang mga videos kung saan nakikisabay din siya sa mga makabagong TikTok moves at mga patok na dance craze ngayon.

Sa panayam sa kanya ni Oscar Oida ng GMA, naikwento niyang ang pagpasok sa TikTok ay paraan niya upang makahikayat ng mga kabataan na pumasok sa kanyang bokasyon.

Read also

Rosmar Tan, pumalag sa pambabatikos sa kanya kaugnay sa pagkarga niya sa anak niya

"Dahil sa sobrang hirap makakuha ng bokasyon. I need to enter into their world especially the young people. So alam ko po na kadalasan ang mga kabataan ngayon ay sa TikTok, so naisipan ko po na pasukin 'yung ganoong klaseng app para makahikayat ng mga kabataan na i-explore ang kanilang buhay sa loob ng convent," paliwanag ni Sister Marlyn

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Dagdag pa niya, hindi talaga siya marunong magsayaw ngunit nakikita niya na isa ito sa mabisang paraan para may mahikayat sila na pumasok sa kombento o sa kanilang kongregasyon.

Bukod dito, marami rin umano siyang mga natatanggap na mensahe na mga humihingi ng payo sa buhay o ispiritwal na gabay.

Narito ang kabuuan ng panayam kay Sis. Marlyn:

Isa ang paggawa ng mga videos sa iba't ibang social media platforms ang nagsilbing libangan ng mga Pinoy habang kinakaharap ang pandemya. Isa na nga rito ang TikTok na maging ang mga kilalang personalidad ay naging tambayan na rin ito sa panahong ang lahat halos ay naka-community quarantine.

Read also

Mayor Vico, nakatutok sa serbisyo sa Pasig kaysa sa pagbibigay ng apo kina Vic At Coney

Dahil dito, kabi-kabilang mga videos naman ang nagiging viral lalo na kung patok ito at labis na kinagigiliwan ng mga tao.

Ilan sa mga ito ay mga nagsulputang dance craze na maging ang mga sikat at kilalang personalidad ay nagagawa ito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica