Party na kaunti lang ang dumalo, nakapagpasaya ng hinakot na mga bata sa kalye

Party na kaunti lang ang dumalo, nakapagpasaya ng hinakot na mga bata sa kalye

- Viral ang video ng birthday party na nakapagpasaya ng mga bata sa kalye

- Ayon sa ina ng may birthday, lima lamang sa mga imbitado ang dumating sa oras

- Dahil dito, naisipan nilang maghakot ng mga bata sa kalye upang dumami ang bisita at makapag-enjoy ang may kaarawan

- Makikitang nag-enjoy naman ang mga bata sa pakain, palaro at perang ibinigay sa kanya at hinatid din sila kung saan sila nasundo

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Viral ang nakatutuwang video ng isang birthday party na nagawang maghakot ng mga bisita na bata sa kalye sa Davao City.

Party na kaunti lang ang dumalo, nakapagpasaya ng hinakot na mga bata sa kalye
Photo from Ivy Florez Raz
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na kakaunti umano ang nakarating sa birthday party ng walong taong gulang na batang si Xander King kaya naman naisipan ng kanilang pamilya na maghakot na lamang ng mga batang mabibigyang saya rin nila sa nasabing handaan.

Read also

Honor student, emosyonal sa kanyang graduation nang biglang sumulpot ang inang OFW

Kwento ng ina ni Xander na si Ivy Florez Raz sa ABS-CBN, lima lamang sa mga imbitado nilang bata ang nakadalo sa oras gayung ang iba ay sa gabi pa makararating.

Kaya naman para maging extra special pa lalo ang kaarawan ng kanyang anak, pinasaya rin nila ang mga bata sa kalye sa pamamagitan ng pagkain at mga palaro.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Siniguro rin ng pamilya ni Xander na naihatid din ang mga nahakot na bago niyang mga kaibigan sa kung saan sila nasundo. Nag-uwi rin ito ng mga pagkain, pera at premyo.

Samantala, kamakailan ay nag-viral din online ang video ng isang PWD na sinurpresa umano ng mga service crew at manager ng kinainang fast food chain.

Ayon sa uploader na siyang branch manager din ng resto, mag-isa lamang ang naturang customer at nang iabot nito ang PWD card, doon nila nalamang kaarawan pala nito.

Read also

Herlene Budol, naging daan para makita ang lolo na inakalang patay na ng kanyang pamilya

Kaya naman hindi sila nagdalawang-isip na isurpresa ito ng lobo at ilang pirasong pancake para makapag-blow ito ng birthday candle.

Napag-alaman din nilang patungo pala itong ospital para magpa-insulin. Labis ang pasasalamat ng customer na talagang naiyak sa hindi inaasahang regalo sa kanya ng mga crew.

Umani ng papuri ang store manager at mga kasama nito na nakapagpasaya ng taong nag-iisa lamang sa kanyang kaarawan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Hot: