Ama, nanlumo nang umabot sa Php9,400 ang nagamit ng anak sa online game
- Nanlumo na lamang ang isang ama matapos malamang umabot sa Php9,400 ang nagamit ng anak sa online game
- Nagulat siya nang magamit ng anak ang kanyang online payment app na Gcash sa laro nitong Call of Duty
- Nai-post ito ng ama sa pagbabaka-sakaling matutulungan siya ng netizens na maibalik ang nagamit umanong halaga
- Magsilbing babala umano ito sa mga magulang na pinagagamit ang cellphone sa kanilang mga anak
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Aminadong nanlumo ang ama na si Nover Alcantara nang malamang umabot sa halagang PHP 9,400 ang kabuuang halaga na nagamit ng kanyang anak sa online game nito.
Nalaman ng KAMI na hindi inaasahan ng kanyang anak na magamit ang online payment app nitong Gcash sa paglalaro niya ng Call of Duty o COD.
Nagulat na lamang si Nover nang makita ang iba't ibang halaga hanggang sa umabot na nga ito sa halos PHP 10,000.
Naibahagi ni Nover ang kanyang karanasan sa pagbabakasakaling matutulungan siya ng netizens na maibalik kahit na paano ang ilang halagang hindi sinasadyang magamit ng kanyang anak.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Magsilbing babala umano ito sa mga magulang na napapagamit ang kanilang cellphone sa mga anak.
Narito ang kabuuan ng post:
Sa kasagsagan ng pandemya, dalawang taon na ang nakararaan kung saan mahigpit na pinagbabawal ang paglabas lalo na ng mga bata, madalas na gadget na lamang ang kanilang hawak.
Dahil dito, marami rin ang nagsasamantala ng panloloko sa kanila. Matatandaang napabalita umano ang pagpapanggap ng ilan nilang mga kalaro upang malaman ang mga personal ng impormasyon ng bata. Ito ay upang makapanloob ang mga nagpapanggap na ito lalo na kung malaman nilang mula sa mayamang pamilya ang biktima.
Samantala, marami rin noon ang napabalitang nagkakasakit, naospital at ang masaklap ay binawian umano ng buhay.
Isa na rito ang umano'y 19-anyos na binatilyong inatake umano sa puso habang naglalaro sa computer shop.
Kwento ng kanyang kalaro, nagulat na lamang ito nang biglang matumba ang binatilyo.
Napag-alamang may sakit umano sa puso ang binatilyo subalit isa sa nakikita nilang dahilan ng pangyayari ay ang madalas din nitong pagpupuyat at ang init umano sa lugar gayung sira ang electric fan doon.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh