19 anyos na binata, inatake sa puso habang naglalaro ng computer games
- Pumanaw ang isang binata habang siya ay naglalaro ng online games sa computer shop
- Kwento ng tatay ng binata, bigla na lang daw ito natumba sa inuupuan niya
- May sakit na raw talaga sa puso ang binata at maaaring dahil sa puyat ang atake nito sa puso
- Labis na nalungkot naman ang ama sa sinapit ng kanyang anak kamakailan lang
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Isang binata ang binawian ng buhay habang ito ay naglalaro ng online games sa isang computer shop.
Nalaman ng KAMI na labis na naging emosyonal ang ama ng 19 anyos na binata dahil sa sinapit nito.
Ayon sa ulat ng Balitang Amianan, naglalaro sa isang computer shop sa Pangasinan ang binatang si Erwin Biasura nang bigla itong atakihin sa puso.
Kwentong kanyang ama na si Mang Samuel Biasura, bigla na lang daw natumba sa upuan ang anak niya habang naglalaro.
"Pinuntahan ko dito, wala nang pulso kasi. Ginawa ko rin 'yung magagawa ko, [hinihilot] ko 'yung puso niya para bumalik 'yung ano niya, wala na,” aniya.
Dagdag pa ng ama, may sakit talaga sa puso si Erwin at may maintenance na rin ito. Subalit, laging napupuyat ito at kulang sa tulog.
"Siguro na-excited siya sa laro, pero kasama na rin 'yung puyat tsaka 'yung pagod, dito kasi mainit kasi nasira 'yung electric fan," sabi ni Mang Samuel.
Paliwanag naman ng San Fabian Municipal Health Officer, importante ang may sapat na tulog at pahinga para sa mga taong may sakit sa puso.
"Bibilis 'yung heart rate mo. Dapat iwasan mo 'yung mga activity na nakakapagod at nakaka-excite," sabi ni Dr. Jose Quiros.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Patok na patok nga sa mga kabataan ngayon ang computer at mobile games. Marami nga ang nahihilig dito lalo na kapag bakasyon.
Sa ulat ng KAMI noon, isang binata naman ang bumigay ang katawan at sinugod sa ospital dahil labis daw ang paglalaro nito ng Mobile Legends.
Samantala, isang 21 anyos na babae naman ang nabulag dahil inaabot ito ng halos 8 oras kada araw kakalaro ng mobile game.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh