Dating teacher na piniling manirahan sa Italy, mahigit Php120,000 na ang kinikita kada buwan

Dating teacher na piniling manirahan sa Italy, mahigit Php120,000 na ang kinikita kada buwan

- Marami ang bumilib sa isang dating teacher na ngayo'y mahigit dalawang dekada nang naninirahan sa Italy

- Dahil sa pagiging madiskarte, iba't ibang hanapbuhay muna ang kanyang pinasok bago niya pasukin ang pagtatanim

- Mula sa kanyang mga pananim, naibebenta niya ang mga ito na umaabot sa nagkakahalagang Php100,000 kada buwan

- Aniya, maaring nakakapagod ang trabaho subalit hindi raw mahirap kumita ng pera sa Italy basta masipag at madiskarte ang isang tao

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Kahanga-hanga ang kababayan nating si Lino Mandigma na umaabot sa mahigit Php120,000 ang kinikita sa Italy.

Dating teacher na piniling manirahan sa Italy, mahigit Php120,000 na ang kinikita kada buwan
Photo: Lino Mandigma
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na dating elementary school teacher si Lino. Ngunit dahil ang kanyang misis ay isa nang overseas Filipino worker sa Italy, naisip niyang iwan ang pagtuturo para makasama na roon ang asawa.

Sa panayam sa kanya ng Smart Parenting, naikwento ni Lino ang kanyang mga pinagdaanan buhat nang makarating siya sa Italy.

Read also

Estudyanteng pumanaw bago ang Graduation, pinagawan ng standee ng mga kaklase

Nag-part time siya bilang cleaner ng mga bahay doon. Madalas naman siyang masabihan umano ng 'Bravo!' ng may-ari ng mga nalilinisan niyang bahay. Nangangahulugang maayos ang kanyang sebisyo sa kanila kaya naman hindi siya halos nawawalan ng trabaho roon.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Pati na rin ang pagiging barbero ay pinasok niya at may mga regular nang nagpapagupit sa kanya.

At ang pinakamalaking pinagkukunan niya ng kanyang kinikita ay ang pagtatanim. Nagrenta siya ng lupa at kanyang tinamnam. Puhunan niya talaga ang sipag at tiyaga kaya naman ang mga pananim na maayos na tumubo, naibebenta niya. Katunayan, pumapalo sa katumbas Php120,000 ang kanyang kinikita rito kada buwan.

Narito ang kabuuan ng kwento ni Lino:

Kamakailan, hinangaan din ang isang Pinay fruit picker sa Australia na kumikita ng nasa Php200,000 kada buwan.

Read also

Madam Kilay, nagpasaring tungkol sa taong nag-alok na kunin siyang ninang

Kwento ni Mariel Larsen, hindi madali ang pamimitas ng mga prutas tulad ng apple, orange, lemon, cherry at blueberry. Dahil sa maghapong nakatayo, pag-akyat at paglalakad, aminado siyang nakararamdam siya ng pananakit ng katawan. Umaabot pa raw sa punto minsan na halos ayaw na niyang pumasok kinabukasan.

Subalit hindi ito naging hadlang kay Mariel lalo na nang makasanayan na niya itong gawin.

Aniya, dahil sa pamimitas niyang ito ng bulaklak, nabigyan niya ng pangkabuhayan sa pangingisda ang mga kaanak niya sa Pilipinas. Napatayuan na rin niya ang mga ito ng kanilang tahanan.

Kaya naman susunod na proyekto at pinag-iipunan ni Mariel at asawa niyang si David ay ang pagkakaroon ng sarili nilang bahay.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica