OFW, sinuwerte sa amo na isa palang prinsesa sa Saudi Arabia
- Sinuwerte ang isang Pinay sa kanyang amo na isa pa lang prinsesa sa Saudi Arabia
- 20 taon na siyang naninilbihan doon at halos hindi siya umano makapaniwala sa mga biyayang kanyang tinatamasa
- Isinasama rin kasi siya ng kanyang amo sa pagbisita nito sa iba't ibang bansa at may pocket money pa
- Sa tagal na niya roon, pamilya na ang turing niya sa kanyang amo
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Masasabing masuwerte ang 46-anyos na OFW sa Saudi Arabia na si Elizabeth Hernandez.
Nalaman ng KAMI, ang amo pala ni Elizabeth ay isang prinsesa ng Saudi.
Sa loob ng 20 taon na paninilbihan sa prinsesa, pamilya na ang turing niya rito. Para na rin daw niyang ina ang inaalagaan niyang ito.
Ang masaya pa sa kanyang trabaho, may pocket money pa siya sa tuwing magta-travel sila ng prinsesa.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Kaya naman marami-rami na rin siyang mga lugar na napuntahan tulad ng London, Dubai, Jedah, New York, Paris at Austria.
Kaya naman ganoon na lang ang pasasalamat niya sa kanyang amo na nakatulong din umano sa kanya sa pagapaptayo ng kanyang bahay sa Laguna.
Pinasalamatan din si Elizabeth ng kanyang anak na kahit hindi niya nakakasama ng madalas, maayos naman itong napalaki ng ama.
Narito ang kabuuan ng kwento ni Elizabeth mula sa 'Dapat Alam Mo' ng GMA News:
Tulad ni Elizabeth, marami pa rin naman sa ating mga kababayang nangingibang bansa ang pinalad sa pagkakaroon ng mabait na amo.
Ang iba naman nating kababayan ay masuwerteng nahanap ang maganda nilang kapalaran sa ibang bansa. Dahil dito, maayos silang namumuhay maging ang kanilang mga naiwang mahal sa buhay na nasa Pilipinas.
Tulad ng kababayan nating si Shirley Alah o mas kilala bilang si ''Zia Welder" na isang welder sa Canada. Marami ang namangha sa diskarte niya sa buhay kahit nasa ibang bansa.
Gayundin ang OFW na si Diana Hirano na pinalad na makauwi sa bansa para isupresa ang kanilang pamilya lalo na ang kanyang ina. Dala kasi ng pandemya ay hindi agad siya basta nakauwi.
Taong 2020 pa nang huling makabisita si Diana sa bansa. Dalawang buwan naman niyang makakasama ang pamilya bago siya bumalik muli sa Tokyo.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh