Zeinab Harake, umalma sa request ng netizen na "Daddy for a Day Challenge"

Zeinab Harake, umalma sa request ng netizen na "Daddy for a Day Challenge"

- Hindi nagustuhan ni Zeinab Harake ang request ng isang netizen tungkol sa "Daddy for a Day"

- Aniya, ayaw niyang sinasama ang mga anak niya sa ganoong bagay dahil siya lang umano ang nanay at ang tatay ng kanyang mga anak

- Kahit para sa content ay hindi niya umano isasama ang kanyang mga anak sa mga ganoong mga challenge

- Lumabas ang kanyang Instagram live matapos maglabas ng pahayag si Skusta Clee kung saan humihingi ito ng dispensa sa kanyang nagawa

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Umalma si Zeinab Harake sa request na "Daddy for a Day Challenge" na nagmula sa isang viewer sa kanyang Instagram live video. Aniya, hindi niya isasama sa ganoong mga challenge ang kanyang mga anak.

Zeinab Harake, umalma sa request ng netizen na "Daddy for a Day Challenge"
Zeinab Harake, umalma sa request ng netizen na "Daddy for a Day Challenge" (@zeinab_harake)
Source: Instagram

Nabanggit din niya na siya lang ang nanay at tatay ng kanyang mga anak. Kahit para sa content ay hindi niya umano isasali ang mga anak niya sa ganoong challenge.

Read also

Tinaguriang "Half-man skateboarder", nanatiling positibo sa kabila ng kapansanan

Nabanggit niya rin na umiiwas lang talaga siya sa mga taong hindi makakatulong sa kanya para maka-recover. Hindi umano siya galit sa mga taong ito na hindi na rin niya pinangalanan. Aniya, naging mabuti din ang mga ito sa kanya.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Zeinab Harake ay isang kilalang social media influencer at sikat na YouTube content creator na mayroong milyon-milyong subscribers. Naging kontrobersiyal ang relasyon nila ni Skusta Clee nang una silang maghiwalay kung saan ibinunyag ni Zeinab ang ilang bagay tungkol kay Skusta.

Marami sa mga netizens ang bumati kay Zeinab noong Father's Day at binahagi niya ito sa kanyang IG stories. Marami sa mga ito ang pagbati sa kanyang pagtayo bilang ama sa anak niyang sina Lucas at Zebbiana. Matatandaang simula nang isapubliko ni Zeinab ang tungkol sa paghihiwalay nila ni Skusta Clee ay bumuhos ang suporta sa kanya hindi lamang mula sa mga netizens kundi maging mula sa mga kapwa niya social media influencer at content creator. Kasalukuyang nasa pangangalaga niya ang anak na si Bia at ang adopted son na si Lucas

Read also

Donnalyn Bartolome, napilitang maglabas ng video para maipaliwanag ang kanyang panig

Nitong Father's Day ay sinabi ni Zeinab na saludo siya sa mga kapwa niya nanay na aniya ay nagpapaka-tatay sa kanilang mga anak. Kaya naman, isang pagbati ang binahagi ni Zeinab sa mga kagaya niyang single mom sa pamamagitan ng isang tweet. Bumuhos naman ang pagbati sa kanya mula sa kanyang mga followers na sumuporta sa kanya lalo na nang isapubliko niya ang paghihiwalay nila ni Skusta Clee.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel