Ina ni Jang Lucero, ginunita ang ikalawang taon ng pagkamatay ng anak

Ina ni Jang Lucero, ginunita ang ikalawang taon ng pagkamatay ng anak

- Ginunita ng ina ni Jang Lucero ang ika-dalawang taon ng kanyang kamatayan sa isang Facebook post nito

- Ngayong June 28, nag-post ang ina ni Jang na si Angela Lucero na sa kanyang paggunita sa ikalawang taon ng pagkamatay ng anak ay hindi siya titigil sa paghahanap ng hustisya para sa anak

- Hindi umano siya papayag na masaya ang taong kumitil sa buhay ng anak na marami pang pangarap sa buhay

- Si Robyn Jang Lucero ay ang lady driver na natagpuang tadtad ng saksak sa Calamba, Laguna noong June 28, 2020

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ayon sa ina ni Jang Lucero, hindi siya titigil sa paghahanap ng hustisya para sa anak. Hindi umano siya papayag na masaya ang taong kumitil sa buhay ng anak na marami pang pangarap sa buhay.

Read also

Jose Hallorina, sinabing natalo niya si Donnalyn Bartolome sa kaso

Ina ni Jang Lucero, ginunita ang ikalawang taon ng pagkamatay ng anak
Ina ni Jang Lucero, ginunita ang ikalawang taon ng pagkamatay ng anak (Photo from Jang Lucero's Facebook)
Source: Facebook

Sa kanyang paggunita sa ikalawang taon ng kamatayan ng anak, inamin niyang mahirap pa rin para sa kanya na tanggapin ang pagkawala ng kanyang anak ngunit aniya ay kailangan niyang magpakatatag para maipaglaban niya ang hustisya para sa anak.

Matatandaang sa naunang post niya ay sinabi niyang may ibinaba nang warrant of arrest para sa salarin sa pagpaslang sa anak.

Ina ni Jang Lucero, ginunita ang ikalawang taon ng pagkamatay ng anak
Ina ni Jang Lucero, ginunita ang ikalawang taon ng pagkamatay ng anak (Photo from Angela Lucero)
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Robyn Jang Lucero ay ang lady driver na natagpuang tadtad ng saksak sa Calamba, Laguna. Dahil sa tindi ng tinamong saksak ni Jang, marami sa mga netizens ang nais makatulong upang mabigyan ng ito ng hustisya.

Nauna nang naaresto ang dating kasintahan ni Meyah na si Ann Sheila Montes Belarmino. Gayunpaman, dahil sa kakulangan umano ng ebidensiya, pinakawalan din si Belarmino. Iginiit ng kanyang abogado na hindi siya ang pumaslang kay Jang. Matapos mapakawalan ay naghayag ng kanyang pasasalamat si Belarmino dahil sa mga taong nagtiwala umano sa kanya. Naiiyak umano siya habang ginagawa ang mensahe niya ng pasasalamat sa pamamagitan ng isang Facebook post.

Matatandaang idinulog ng ina ni Jang sa programa ni Erwin Tulfo na "Tutok Tulfo" para humingi ng tulong sa paghahanap ng hustisya para sa pagkapaslang sa kanyang anak. Nais niyang mapaembistigahan ang karelasyon ng anak na si Meyah Amatorio matapos niyang makatanggap ng mga kopya ng umano'y mga mensahe ng anak na nagpapakita ng kanyang mga pasa na gawa ng karelasyon dahil nais na nitong makipaghiwalay kay Meyah.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel