Jose Hallorina, sinabing natalo niya si Donnalyn Bartolome sa kaso

Jose Hallorina, sinabing natalo niya si Donnalyn Bartolome sa kaso

- Sinabi ni Jose Hallorina na natalo niya umano si Donnalyn Bartolome sa kasong isinampa nito sa kanya

- May pinakita pa itong dokumento na umano ay patunay ng pagkakapanalo niya sa kaso at sa aniya'y "pagkakapahiya ng mga sinungaling at hambog"

- Muli niyang binalikan ang tungkol sa kwento ng pagtulong niya sa yumaong lola ni Donnalyn

- Sinabi niya rin sa naturang video ang kanyang balak na magtayo ng NGO para mas marami umano siyang matulungang mga tao

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ayon sa vlogger na si Jose Hallorina, natalo niya si Donnalyn Bartolome sa kaso. Kaugnay ito sa nangyaring gulo sa pagitan nila matapos ang paggawa ng video ni Jose tungkol sa pagtulong niya sa lola ni Donna na kinalaunan ay pumanaw.

Jose Hallorina, sinabing natalo niya si Donnalyn Bartolome sa kaso
Jose Hallorina, sinabing natalo niya si Donnalyn Bartolome sa kaso (@donna)
Source: Instagram

Inudyukan niya ang kanyang viewers na huwag matatakot sa malalaki at sikat na tao. Matapos ang aniya'y pagkakapanalo niya, sinabi niya ang balak niyang magtayo siya ng NGO o foundation. Ang layunin umano nito ay para mas marami siyang matulungan kagaya ni Nanay Josie.

Read also

Donnalyn Bartolome, mariing pinabulaanan ang sinabi ni Jose Hallorina na nanalo ito sa kaso

Humingi siya ng tulong sa kanyang mga subscriber sa kanyang pagtatayo ng NGO.

PAY ATTENTION: check out news exactly for YOU ➡️ find "Recommended for you" block and enjoy!

Si Donnalyn Bartolome ay isinilang noong July 9, 1994 sa Japan. Sumikat siya bilang isang singer, performer, YouTuber, producer, product endorser at social media influencer. Nakilala din siya sa kanyang mga awiting Happy Breakup, Di Lahat, Kakaibabe at Paskong Wala Ka.

Kamakailan ay muling nag-viral ang isang post ni Donnalyn kung saan binahagi niya sa Facebook ang picture ni Skusta Clee. Si Skusta Clee ang ex-boyfriend ng malapit niyang kaibigang si Zeinab Harake. Naging viral ito matapos mapansin ng mga netizens ang kanyang caption na loyal na umano ito. Matapos bumaha ng bagong komento ang kanyang lumang post, burado na ang unang caption na nakalagay.

Sa naunang ulat ng KAMI, isang virtual tour ang binahagi ni Donnalyn Bartolome sa kanyang bagong YouTube video. Ito ay sa isang beach house na yari sa kahoy at kawayan at tinawag niya itong kubo mansion. Matapos niyang ibahagi ang iba't-ibang bahagi ng naturang property, ibinunyag niya na hindi sa kanya iyon. Aniya, nagbabakasyon lamang sila ng kanyang staff at nangangarap din daw siya na magkaroon ng ganoong property balang araw.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel