Donnalyn Bartolome, mariing pinabulaanan ang sinabi ni Jose Hallorina na nanalo ito sa kaso

Donnalyn Bartolome, mariing pinabulaanan ang sinabi ni Jose Hallorina na nanalo ito sa kaso

- Inalmahan ni Donnalyn Bartolome ang ginawang video ng vlogger na si Jose Hallorina kaugnay sa umano'y pagkakapanalo nito sa kaso

- Pinabulaanan ni Donnalyn na nagsampa siya ng kaso kaya aniya ay nagamit na naman ang pangalan niya para makalikom ng pera

- Ang tinutukoy niya ay ang paghingi ng donations ni Jose para umano sa itatayo nitong NGO o foundation

- Ani Donnalyn, hindi na dapat siya magsasalita tungkol sa isyu ngunit nais niya lang umano magbigay ng babala para walang maloko sa pera

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Pinabulaanan ni Donnalyn Bartolome na sinampahan niya ng kaso si Jose Hallorina kaya paano umano nito nasabing nanalo siya sa kaso. Ani Donnalyn, hindi na dapat siya magsasalita tungkol sa isyu ngunit nais niya lang umano magbigay ng babala para walang maloko sa pera.

Donnalyn Bartolome, mariing pinabulaanan ang mga akusasyon ni Jose Hallorina
Donnalyn Bartolome, mariing pinabulaanan ang mga akusasyon ni Jose Hallorina (@donna)
Source: Instagram

Sa isang Facebook post ay sinabi ni Donnalyn na nagamit ang kanyang pangalan para magkapera. Kaugnay ito sa panghihingi ng donations ng vlogger para umano sa itatayo nitong foundation.

Pinuna din ni Donnalyn ang detalye kung saan ipapadala ang donations.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Kahit sabihin mo irereport mo sa govt ang papasok diyan, paano sayo maniniwala eh private account binuksan mo? Walang karapatan govt diyan. i-Trust ka nalang?

Si Donnalyn Bartolome ay isinilang noong July 9, 1994 sa Japan. Sumikat siya bilang isang singer, performer, YouTuber, producer, product endorser at social media influencer. Nakilala din siya sa kanyang mga awiting Happy Breakup, Di Lahat, Kakaibabe at Paskong Wala Ka.

Kamakailan ay muling nag-viral ang isang post ni Donnalyn kung saan binahagi niya sa Facebook ang picture ni Skusta Clee. Si Skusta Clee ang ex-boyfriend ng malapit niyang kaibigang si Zeinab Harake. Naging viral ito matapos mapansin ng mga netizens ang kanyang caption na loyal na umano ito. Matapos bumaha ng bagong komento ang kanyang lumang post, burado na ang unang caption na nakalagay.

Sa naunang ulat ng KAMI, isang virtual tour ang binahagi ni Donnalyn Bartolome sa kanyang bagong YouTube video. Ito ay sa isang beach house na yari sa kahoy at kawayan at tinawag niya itong kubo mansion. Matapos niyang ibahagi ang iba't-ibang bahagi ng naturang property, ibinunyag niya na hindi sa kanya iyon. Aniya, nagbabakasyon lamang sila ng kanyang staff at nangangarap din daw siya na magkaroon ng ganoong property balang araw.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel