Cristy sa null and void tweet ni Kakie; "Wala daw bang kakambal na sorry?"

Cristy sa null and void tweet ni Kakie; "Wala daw bang kakambal na sorry?"

- Nagbigay pahayag si Cristy Fermin at kanyang mga kasama sa "Showbiz Now Na!" ukol sa null and void tweet ni Kakie Pangilinan

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

- Kabi-kabilang bashing ang umano'y natanggap ni Kakie dahil dito

- Umalma rin ang mga umano'y BBM supporters sa pahayag ni Kakie na wala manlang umanong paghingi ng sorry

- Dahil dito, naihambing siya sa kanyang ina na si Sharon Cuneta na hindi naman umano tulad ni Kakie

Isa sa mga maiinit na Showbiz chika na napag-usapan nina Cristy Fermin, Morly Alinio at Romel Chika ay ang kontrobersyal na tweet kamakailan ni Frankie "Kakie" Pangilinan.

Cristy sa null and void tweet ni Kakie; "Wala daw bang kakambal na sorry?"
Frankie Pangilinan (@frankiepangilinan)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Nalaman ng KAMI na na-post niya kamakailan na ang dating mga naging pahayag umano niya patungkol sa nakaraang eleksyon ay umano'y "null and void" na.

Read also

Julia Barretto at mga kapatid, naihalintulad umano ng netizens sa mga anak ni Ruffa

Matatandaang isa umano sa mga ito ay ang matapang na pahayag ni Kakie na hindi umano siya makapapayag na isa muling 'Ferdinand Marcos' ang mamumuno sa bansa.

Kaya naman, inalmahan umano ito ng mga loyalista ng bagong administrasyon gayung mabigat ang naging pahayag ng anak ni Megastar Sharon Cuneta.

"Sino siya para magsabing balewalain na natin," pahayag ni Romel Chika.

"Ganon na lang? pinakain mo ng masama, nagsalita ka ng pagkasakit-sakit, ganoon na lang? Basta tatanggapin nalang ang salita mo na null and void ang mga binitiwan mong salita?," ayon umano sa ilang mga loyalista ni Marcos partikular na ang ilang mga vlogger.

May ilan din umanong nagsabi na sana'y sinamahan na rin daw ni Kakie ng paghingi ng sorry ang kanyang mga nabitiwang mga salita laban sa bagong administrasyon.

At dahil din sa pahayag na ito ni Kakie, hindi naiwasang maikumpara siya umano sa inang si Sharon Cuneta.

Read also

Lorma College, nagsalita na ukol sa graduating student na umano'y di pinaakyat ng stage

Narito ang kabuuan ng kanilang mainit na talakayan ukol dito sa YouTube channel na Showbiz Now Na!:

Si Cristy Fermin ay veteran showbiz columnist at reporter sa Pilipinas. Sa loob ng ilang dekada, ilang talk shows na rin ang kanyang pinagbidahan kung saan mahihinuha ang mga latest showbiz chika.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang kanyang pagbibigay ng maiinit na showbiz balita sa kanyang radio program na Cristy Ferminute at YouTube channel Showbiz Now Na!

Matatandaang minsan na ring natalakay sa YouTube channel na ito ni Cristy Fermin ang naging reaksyon ni Kakie Pangilinan sa resulta ng May 9 election ngayong taon. Marami umano ang nagtaka kung alam ba ng mga magulang nito ang kanyang naging matapang na mga pahayag.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel