Lorma Colleges, 'di na raw sinagot ng estudyanteng 'di umano pinaakyat ng stage

Lorma Colleges, 'di na raw sinagot ng estudyanteng 'di umano pinaakyat ng stage

- Muling naglabas ng pahayag ang paaralan ng nag-viral na graduating student kamakailan

- Ito ay kaugnay sa pag-aalis umano sa pila ng naturang graduating student na noo'y papanhik na sana ng entablado para tanggapin ang diploma

- Sinasabing may kaugnayan ito sa hindi agad nabayarang graduation fee ng estudyante na hindi rin agad nakumpirma matapos bayaran

- Hanggang ngayon, hindi pa rin umano sumasagot ang pamilya ng estudyante sa hiling ng paaralan na makipag-usap sa kanila

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Naglabas ng opisyal na pahayag ang Lorma Colleges kaugnay sa kontrobersyal na video kamakailan ng graduating student na si John Marcelino Rosaldo.

Lorma Colleges, 'di raw sinasagot ng graduating student na umano'y di pinaakyat ng stage
Lorma Colleges (Photo: The Lorma Schools)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na sinubukan na umanong makipag-ugnayan ng nasabing paaralan sa estudyante nilang inalis umano sa pila bago pa man makaakyat sa entablado upang tanggapin sana ang kanyang diploma noong Hunyo 23.

Read also

Cristy Fermin, biglang naalala ang panahong naghiwalay sina Dennis Padilla, Marjorie Barretto

"There was no response to initial attempts so I personally sent an email on June 24 to say sorry for how his family, especially his mother, must have felt as portrayed in the video post."

"I requested for us to meet over the weekend, but the family has declined as of yesterday, June 26," ang bahagi ng pahayag ni Dr. Carol Lynn R. Macagba, President, LORMA Colleges.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sinasabing naimbestigahan na nila umano ang pangyayari at may ilan sila umanong natuklasan umano sa sitwasyon.

"We have made factual discoveries that help understand the situation but the social media is not the proper forum for this as we are always respectful of all the parties involved.”
"We have been widely pre-judged by the public without their knowing the facts surrounding this story, and for this, I am truly sorry for all who are being affected and distressed by the public reactions."

Read also

Cristy Fermin, sinabing may punto si Leon Barretto sa open letter niya kay Dennis Padilla

Narito ang kabuuan ng kanilang pahayag:

Ang kapatid ni John Marcelino na si Celene Rosaldo ang umano'y naglabas ng hinaing ukol sa nangyari.

Sa kanyang TikTok video, ipinakita ang kapatid na naglabas umano ng saloobin sa pag-aalis umano rito sa pila nang papaakyat na umano sila sa entablado para tanggapin ang diploma.

Ayon sa PEP, ginanap ito noong Hunyo 23. May caption ang post ni Celene na: "Yung graduate ka pero di ka pinaakyat ng stage para kunin diploma mo kasi di na-confirm payment mo sa grad fee.”

Sa ulat ng Bandera, sinabing isang araw bago ang graduation ay nakapagbayad naman umano si John Marcelino ng kanyang graduation fees. Subalit hindi raw ito na-confirm agad dahilan upang mangyari ang hindi nito pag-akyat sa entablado.

"Ang pinaka-masakit po dun ay yung hitsura ng nanay ko po na kitang-kita niya na yung anak niya na pinull out sa line papuntang stage upang i-receive sana yung diploma," ayon kay Celene sa panayam sa kanya ng Manila Bulletin.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica