Mrs. Maguad, pinakita ang ilang bahagi ng confession ni "Janice"

Mrs. Maguad, pinakita ang ilang bahagi ng confession ni "Janice"

- Ayon kay Mrs. Lovella Maguad, pinag-ipunan niya ng lakas ng loob na basahin at tapusing basahin ang confessions ng dalawang akusado sa pagpaslang sa kanilang mga anak

- Sa binahagi niyang pictures, makikita ang bahagi ng confession ni "Janice" kung saan umiiyak umano ito habang nagkukuwento

- Sinasabi umano ng anak niyang si Gwynn na panaginip lamang ang nangyayari dahil mag-do-doktor pa umano ito

- Sinabi din umano nito na hindi niya alam kung anong nagawa niya para gawin iyon sa kanya gayong mahal niya daw si "Janice"

Ayon kay Mrs. Lovella Maguad, pinag-ipunan niya ng lakas ng loob para makayanan niyang basahin ang confession ng dalawang akusado sa pagkakapaslang sa mga anak. Sinasabi umano ng anak niyang si Gwynn na panaginip lamang ang nangyayari dahil mag-do-doktor pa umano siya.

Mrs. Maguad, pinakita ang isang bahagi ng confession ni "Janice"
Mrs. Maguad, pinakita ang isang bahagi ng confession ni "Janice" (Photo from Lovella Orbe Maguad/FB)
Source: Facebook

Nasabi niya din kay "Janice" na wala umano siyang alam na ginawa niya kay Janice. Nabanggit pa umano nito na mahal niya si Janice. Ayon pa sa binahaging picture ni Mrs. Maguad, nakasaad na umiiyak si Janice habang inilalahad niya ang kanyang confession.

Read also

Cristy Fermin, sinabing tinapon daw ni Carla Abellana ang mga gamit ni Tom Rodriguez

Ang isa pang bahagi ng confession ay nang sinabi umano ng sakristan kay Janice na palpak ang plano ni Janice dahil napagtanto niyang mababait na tao umano ang magkapatid.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ang kaso ng pagpaslang sa magkapatid na Maguad ay lumikha ng malaking ingay lalo at naganap ang pagpaslang sa magkapatid sa mismong bahay nila. Ang lalong naging kahindik-hindik ay nang mapag-alamang mismong ang dalagang kanilang kinupkop at itinuring na kapamilya ang isa sa mga salarin sa pagpaslang.

Samantala, ibinahagi ng ina ng magkapatid ang kanyang hinanakit nang makaharap nila ang mga salarin sa pagpaslang sa kanilang dalawang anak, wala umano silang magawa. Sa kanilang mga social media account, ay madalas na inihahayag ng mag-asawa ang kanilang saloobin sa gitna ng kanilang pighati at pagnanais na mabigyan ng katarungan ang pagkamatay ng dalawang mga anak nitong mga nakaraang buwan.

Matatandaang umamin ang mismong dalaga sa kanyang ginawa ilang araw matapos ang pamamaslang sa magkapatid. Hindi naman maitago ng mag-asawang Maguad ang kanilang paghihinagpis matapos ibaba ang hatol sa dalawang akusado sa pagpaslang sa kanilang dalawang anak.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel