Mrs. Maguad, emosyonal nang makita ang picture ng mga kaklase ng anak

Mrs. Maguad, emosyonal nang makita ang picture ng mga kaklase ng anak

- Ibinahagi ni Mrs. Lovella Maguad ang kanyang saloobin nang makita ang class picture ng mga kaklase ng anak na si Crizvlle Louis Maguad

- Hawak ng isa sa kanila ang picture frame kung saan nakalagay ang picture ng anak

- Aniya, naiyak siya nang makita niya iyon dahil naalala niya na wala na umanong pag-asa na maabot pa ng anak ang pangarap nitong maging abogado at architect

- Pangarap umano ng anak niya na mapatayuan silang mag-asawa ng double-storey modern house na my swimming pool

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Naiyak umano si Mrs. Lovella Maguad nang makita niya ang picture ng mga kaklase ng anak niyang si Crizvlle Louis Maguad. Hawak ng isa sa kanila ang picture frame kung saan nakalagay ang picture ng anak.

Mag-asawang Maguad, emosyonal sa ibinabang hatol sa akusado sa pagpaslang sa mga anak nila (Screenshot from DXND Kidapawan)
Mag-asawang Maguad, emosyonal sa ibinabang hatol sa akusado sa pagpaslang sa mga anak nila (Screenshot from DXND Kidapawan)
Source: Facebook

Hindi mapigilan ni Mrs. Maguad na malungkot lalo nang maalalang wala na umanong pag-asa na maabot pa ng anak ang pangarap nitong maging abogado at architect. Sobra umano siyang nasaktan.

Read also

Annabelle Rama, binuking na araw-araw umanong umiiyak si Ruffa Guttierez

Nang makita ko ikaw Boy na nasa picture frame kasama ng mga kaklase mo ....grabe ang iyak ko. Awang awa ako sa yo langga....Hindi ganito ang pinangarap namin ni papa mo sa yo. Gusto ko kaninang umuwi kaagad Kasi sobrang sakit ng pakiramdam ko. Parang sasabog ang dibdib ko sa sakit na makita ka na sa loob ng picture frame na yan na wala ng pag asa na maabot pa ang mga pangarap mo maging Abogado at Architect.

Pangarap umano ng anak niya na mapatayuan silang mag-asawa ng double-storey modern house na my swimming pool.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Pinasalamatan at binati ni Mrs. Maguad ang mga kaklase at kaibigan ng kanyang anak sa araw ng kanilang pagtatapos sa high school.

Ang kaso ng pagpaslang sa magkapatid na Maguad ay lumikha ng malaking ingay lalo at naganap ang pagpaslang sa magkapatid sa mismong bahay nila. Ang lalong naging kahindik-hindik ay nang mapag-alamang mismong ang dalagang kanilang kinupkop at itinuring na kapamilya ang isa sa mga salarin sa pagpaslang.

Read also

Zeinab Harake, pinanindigang hindi na umano siya marupok

Samantala, ibinahagi ng ina ng magkapatid ang kanyang hinanakit nang makaharap nila ang mga salarin sa pagpaslang sa kanilang dalawang anak, wala umano silang magawa. Sa kanilang mga social media account, ay madalas na inihahayag ng mag-asawa ang kanilang saloobin sa gitna ng kanilang pighati at pagnanais na mabigyan ng katarungan ang pagkamatay ng dalawang mga anak nitong mga nakaraang buwan.

Matatandaang umamin ang mismong dalaga sa kanyang ginawa ilang araw matapos ang pamamaslang sa magkapatid. Hindi naman maitago ng mag-asawang Maguad ang kanilang paghihinagpis matapos ibaba ang hatol sa dalawang akusado sa pagpaslang sa kanilang dalawang anak.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate