Pari na nanalo ng Php25,000 sa raffle, piniling ibili ng pagkain para sa mahihirap ang napanalunan
- Marami ang humanga sa pari na mas piniling itulong ang napanalunang Php25,000 sa raffle ng isang Supermarket
- Nang malaman pa ng Marketing Office ng pamilihan ang kanyang adbokasiya na tumulong, dinagdagan pa ng Php10,000 ang napanalunan
- Bago pa man manalo sa raffle, nagbibigay tulong na ito sa mga watchers of poor ER patients sa Philippine General Hospital
- At dahil malaki-laking halaga ang nakuha, mas marami umano siyang mabibigyan ng pagkain
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Naantig ang puso ng marami nang malaman ang kwento ng paring si Fr. Marlito “Lito” Ocon na matapos na manalo ng Php25,000 sa raffle ng isang Supermarket.
Nalaman ng KAMI na sa halip na sarilihin lang niya ang premyo, pinili niyang ibili ng makakain ang mga watchers of poor ER patients sa Philippine General Hospital.
Sa panayam sa kanya ng Philippine Star, bago pa man manalo sa raffle ay likas ay nagbibigay na umano siya ng makakain sa mga tagapagbantay ng kababayan nating mahirap na ay nagkaroon pa ng karamdaman.
Ang masaya pa sa nangyari, dinagdagan ng Marketing Office ng supermarket ng halagang Php10,000 ang napanalunan ni Fr. Lito nang malamang para itinutulong din niya ang natanggap na premyo sa mga taong nagugutom at higit na nangangailangan.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Kaya naman mas marami siyang napamili at tiyak na mas marami silang matutulungan.
Sa panahon ngayon kung saan sinusubok tayo ng pandemya, nakakatuwa pa ring isipin na namumutawi naman sa atin ang pagiging likas na matulungin.
Tulad na lamang ng isang lolo na nagtitinda ng tinapay sa tulay sa North Edsa. Dahil sa viral post ng isang nagmalasakit sa kanya, dinagsa siya ng tulong.
Gayundin ang isang matandang nagkaroon ng mild stroke ngunit naglalako pa rin ng basahan na matapos ding mag-viral ang video ay naabutan ng tulong bago sumapit ang Kapaskuhan.
At ng isang pari na mas pinili noong mag-noche buena kasama ng mga taong naninirahan lamang sa ilalim ng tulay.
Ilan lamang ito sa patunay na likas na mapagmalasakit sa kapwa ang mga Pilipino kahit pa ito ay sa oras na ng kagipitan. Magsilbi nawa silang inspirasyon sa iba upang gumawa rin ng kabutihan sa tuwina.
Source: KAMI.com.gh