Kita ng pari sa pagtitinda ng isda, ipinambibili ng food bags para sa mga kababayan

Kita ng pari sa pagtitinda ng isda, ipinambibili ng food bags para sa mga kababayan

- Nagtitinda ang isang pari sa Basilan upang may maipamigay na tulong sa kanyang mga kababayan

- Ang kita niya kasi sa pagtitinda ang siyang pinambibili nila ng mga relief goods na ipinamimigay nila sa mga nangangailangan

- Nilinaw pa ng pari na wala siyang pinipiling relihiyon sa pagtulong basta nangangailangan nito ay kanilang bibigyan

- Ang kagandahan pa sa kanilang lugar, nanatili itong COVID-free at wala pang naitatalang kaso ng virus dito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hinangaan ang isang pari sa Basilan dahil sa pagtitinda niya ng isda para makatulong sa kanyang mga kababayan.

Ito ay si Fr. Joel Silagpo mula sa Santa Clara, Lamitan, Basilan na matiyagang nagtitinda dahil ang kanyang kita ang siyang ipambibili nila ng relief goods.

Mayroon na siyang maliit na pwesto sa tapat ng simbahan na tinatangkilik naman ng mga residenteng nakakaluwag sa buhay at may pambili pa ng pagkain.

Kwento ng pari, ang natitirang donasyon sa simbahan ang siyang pinambibili niya ng isda para mapalago. Sa ganitong paraan mas marami silang mabibiling relief goods na siyang ipamamahagi nila sa mga kababayan nilang nangangailangan ng tulong.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Nalaman ng KAMI na nagbibigay naman ng ayuda ang lokal na pamahalaan ng kanilang lugar. Ngunit inisyatibo ng pari na magdagdag pa ng tulong sa mga kababayan.

Ayon pa sa ulat ng GMA News, walang pinipili ang pari sa pagbibigyan niya ng tulong.

Kahit pa iba raw ang relihiyon, basta't nagugutom at hirap sa buhay, kanila itong bibigyan.

At kahit pa COVID-19 free ang Basilan, patuloy pa rin daw itong gagawin ni Fr. Joel para tuloy-tuloy dina ang pagtulong sa kapwa.

Fr. Joel SIlagpo

Fr. Joel SIlagpo
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Noong 2017, nagtinda rin umano ng isa si Fr. Joel para naman sa pagpapatayo ng kanilang simbahan.

At ang simbahan na ito ay ang Santa Clara Church kung saan siya patuloy na nagtitinda para mayroong pa ring maitulong sa kapwa.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

'Di siya sumuko at natuto sa kanyang mga karanasan. Unti-unti siyang bumangon at nag-ipon at ngayo'y napakalapit na niya sa tuktok ng kanyang mga pangarap.

How I Turned From A Call Center Agent Into A Hotel Co-Owner | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel