Ama ng Maguad siblings, hindi raw titigil sa paghahanap ng hustisya para sa mga anak

Ama ng Maguad siblings, hindi raw titigil sa paghahanap ng hustisya para sa mga anak

- Matapos ibaba ang hatol para sa dalawang salarin sa pagpaslang sa kanilang anak, maximum justice ang sigaw ng mag-asawang Maguad

- Matatandaang hindi napigilan ng mag-asawa na ilabas ang kanilang saloobin kaugnay sa kinalabasan ng kaso

- Hindi man nakamit ang sa tingin nilang nararapat na hustisya para sa kanilang dalawang anak, patuloy pa rin sila sa paghahanap ng hustisya

- Sa kanyang social media post ay sinabi ni Mr. Cruz Maguad na hindi sila titigil para makamit nila ang hustisya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Matapos mahatulan ang dalawang salarin sa pagpaslang sa magkapatid na Maguad, maximum justice ang sigaw ng mag-asawang Maguad. Sa kanyang social media post ay sinabi ni Mr. Cruz Maguad na hindi sila titigil hangga't nila makamit ang hustisya para sa mga anak nila.

Ama ng Maguad siblings, hindi raw titigil sa paghahanap ng hustisya para sa mga anak
Mag-asawang Maguad, emosyonal sa ibinabang hatol sa akusado sa pagpaslang sa mga anak nila (Screenshot from DXND Kidapawan)
Source: Facebook

Handa umano siyang isugal ang buong buhay niya makamit lang nila ang hustisya para sa kanilang dalawang anak.

Read also

Magkapatid na nagkawalay sa loob ng 30 taon, nagkasama nang muli

We won't stop seeking maximum justice for you ate Gwynn n boyboy.we love you very much.buong Buhay ko isusugal ko to get justice mga anak.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Humingi din siya ng tulong para mailapit niya ang kanilang hinaing kay Sen. Raffy Tulfo.

Matatandaang sa isang video na kuha ng DXND Kidapawan, emosyonal na naglabas ng sama ng loob ang mag-asawa habang nakikita ang mga akusado. Napahagulgol ang ina ng magkapatid dahil umaasa sila sa maximum justice. Gayunpaman, dahil sa Juvenile Law ay hindi napatawan ng mas mabigat na hatol ang mga akusado.

Kinakagalit din ng mag-asawa na tila walang pagsisi mula sa akusado. Umabot sa limang buwan ang naganap na paglilitis sa kaso na talaga namang tinutukan ng karamihan.

Ang kaso ng pagpaslang sa magkapatid na Maguad ay lumikha ng malaking ingay lalo at naganap ang pagpaslang sa magkapatid sa mismong bahay nila. Ang lalong naging kahindik-hindik ay nang mapag-alamang mismong ang dalagang kanilang kinupkop at itinuring na kapamilya ang isa sa mga salarin sa pagpaslang.

Read also

OFW na mahigit na apat na taon sa Saudi, may nakakakilig na marriage proposal sa nobya

Samantala, ibinahagi ng ina ng magkapatid ang kanyang hinanakit nang makaharap nila ang mga salarin sa pagpaslang sa kanilang dalawang anak, wala umano silang magawa.

Matatandaang umamin ang mismong dalaga sa kanyang ginawa ilang araw matapos ang pamamaslang sa magkapatid.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate