OFW na mahigit na apat na taon sa Saudi, may nakakakilig na marriage proposal sa nobya
- Todo effort ang isang OFW sa marriage proposal nito sa kanyang nobya
- Bagaman at amahigit apat na taon silang hindi nagkasama, agad niya itong inayang magpakasal nang makauwi sa Pilipinas
- Kasabwat ang mga katrabahong guro nito at maging ang ilan sa kanyang mga estudyante, naisagawa nila ang nakakakilig na proposal
- Hindi naman nabigo ang OFW na nakamit ang oo ng kanyang 'bride-to-be'
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Maraming netizens ang kinilig sa marriage proposal ng isang OFW na bagama't hindi nakasama ang nobya sa loob ng mahigit apat na taon ay inaya na niyang magpakasal.
Nalaman ng KAMI na isang guro sa Sampaguita Elementary School Kibawe, Bukidnon ang pakakasalan ng OFW.
Walang kaalam-alam ang gurong si Zel sa surpresang inihanda sa kanya ng halos lahat ng tao sa kanilang munting paaralan.
Mula sa mga estudyante niyang nagbigay sa kanya ng isa-isang mga red roses gayundin ang mga kapwa guro niya na kasabwat din na kanyang nobyo.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
At nang makarating na nga sa kanyang silid-aralan, doon na rin pumasok ang kanyang nobyo na mahigit apat na taon niyang hindi nakasama.
Hindi naman nabigo ang OFW na nakamit ang matamis na oo ng kanyang 'bride-to be.'
Bagama't mahabang panahon silang hindi nagkasama, palagi naman daw silang magkausap na nagsilbing pundasyon umano ng kanilang maayos na samahan na mauuwi rin sa kasalan.
Narito ang kabuuan ng mga kaganapan sa proposal mula kay Hazlejean Cuaresma Agapay:
Kamakailan, naibahagi rin ng KAMI ang kwento ng isang OFW na emosyonal nang makauwi sa Pilipinas at makita sa kauna-unahang pagkakataon ang kanyang ipinundar na bahay at iba pang mga ari-arian.
Ang iba, sagana sa mga regalo at mga bagay na binibili sa kanila ng kanilang amo lalo na ngayong pandemya na talaga namang hindi sila pinabayaan.
Umantig din sa puso ng netizens ang emosyonal na tagpo kung saan nagpanggap na customer sa kanilang litsunan ang anak na OFW na nagkunwaring nag-order sa kanyang mga magulang. Kaya naman laking gulat at labis na natuwa ang mga ito nang malamang nakauwi na siya makalipas ang ilang taon.
Source: KAMI.com.gh