Lalaki, nakaipon ng timba-timbang barya mula sa pamumulot ng kalakal
- Marami ang na-inspire sa kwento ng pagiging masigasig ng isang lalaki mula sa Payatas, Quezon na si Janry
- Sa kanyang pamumulot ng kalakal, nakaipon siya ng mahigit kalahating milyon
- Pinambili nila ito ng 3.5 hectares na lupa sa probinsiya para umano mapagtayuan nila ng bahay
- Sa kasamaang palad, sa gitna ng pandemya, naisanla nila ito sa halagang 58,000 pero muli silang nakapag-ipon para sa pambayad
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Kinabiliban ang isang lalaki sa Payatas, Quezon na nagngangalang Janry dahil sa pagiging masigasig nito kasama ang kanyang misis. Nakapag-ipon sila ng balde-baldeng barya at nakabili silang mag-asawa ng 3.5 hectares na lupa sa probinsiya.
Bukod sa kanyang pamumulot ng kalakal, nagtulungan din ang mag-asawa upang maka-ipon. Nakapag-ipon silang mag-asawa ng mahigit 600,000. Sa kasamaang palad, sa gitna ng pandemya, naisanla nila ito sa halagang 58,000 pero muli silang nakapag-ipon para sa pambayad.
Base naman sa ulat ng Kapuso Mo, Jessica Soho, wala namang batas na nagbabawal na mag-ipon ng barya. Gayunpaman, ayon sa isang bank officer ay huwag patagalin ang pagtatago ng barya dahil makakaapekto ito kapag walang barya na iikot sa bansa.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Samantala sa kanyang binahaging vlog, marami sa mga netizens ang naghayag ng kanilang paghanga sa mag-asawa:
Hello brother!wow Nakakatuwa at nakaipon ka ng ganyan kadami You are really a great example that we can save coins and turn it into big money Keep it up brother. Sending my full support always. God bless you more and your family
Omg! ang dami nyong naipon lods. Ang sinop nyo, tama ipon always talaga pinakaimportante in case of emergency. More ipons and blessings to come lods. Happy weekend and Godbless
Wow! Ang daming coins! Talagang 3 years na ipon niyan, friend! Ang galing naman! Kahit barya barya, pag naipon, malaking halaga na rin. Tama ang idea at decision mo na mag open ng account sa bangko at ilagay doon lahat para safe at may pang emergency na magagamit. Good work and well done.
Sa kasalukuyang panahon, hindi maikakaila na marami ang nakakaranas ng kakapusan. Bukod sa kawalan ng trabaho, naging pahirap din ang tumataas na bilihin at produktong petrolyo. Kaya naman, mahalaga na mayroong ipon para matustusan ang mga pangangailangan at para sa mga biglaang gastusin.
Kamakailan, maging ang social media star na si Herlene Budol ay nagbahagi ng video kung saan pinakita niya ang kanyang naipon sa loob ng isang taon.
Nag-viral din ang tungkol sa ipon ng isang 22 anyos sa loob ng isang drum.
Source: KAMI.com.gh