Herlene Budol, pinakita ang kanyang naipon sa kanyang "ipon challenge" noong nakaraang taon

Herlene Budol, pinakita ang kanyang naipon sa kanyang "ipon challenge" noong nakaraang taon

- Sa kanyang pinakabagong YouTube video, ibinahagi ni Herlene "Hipon" Budol ang kanyang naipon mula sa kanyang Ipon challenge noong 2021

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

- Ipinakita niya ang kanyang tig-se-singkwentang pera na kanyang inipon sa isang kahon

- Aniya, ang kanyang naging sekreto ay hindi niya tinuturing na pera ang lahat ng singkwenta na mapunta sa kanya

- Umabot sa 39,250 pesos ang kanyang naipon at nag-udyok din siya sa mga viewers niya na subukang mag-ipon kagaya niya

Marami ang na-inspire sa ibinahaging video ni Herlene "Hipon" Budol. Pinakita niya ang perang kayang naipon noong 2021 sa pamamagitan ng pag-ipon ng lahat ng 50 pesos na mapunta sa kanya.

herlene Budol, binahagi ang kanyang naipon sa kanyang "ipon challenge" noong nakaraang taon
Herlene 'Hipon' Budol (@herelene_budol)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Sosyaling microphone ni Heart Evangelista, umani ng samu't-saring mga komento

Aniya, ang kanyang naging sekreto ay hindi niya tinuturing na pera ang lahat ng singkwenta na mapunta sa kanya. Umabot sa 39,250 pesos ang kanyang naipon at nag-udyok din siya sa mga viewers niya na subukang mag-ipon kagaya niya.

Narito ang komento ng ilang netizens na nakapanood ng kanyang video:

Good to hear that Herlene. Just always keep your feet on the ground. I am happy for you na nkkabangon kna uli. Dami mo na subscribers. Ingat kayo plagi nila Lolo at Lola mo.
Achievement yan ate Hipon. Ngayon binigyan mo ako ng tip or clue kung pano mag ipon..Thanksyou so much
Wow good job Herlene you're a great inspiration to others.We love you!

Si Herlene "Hipon" Budol ay unang nakilala sa kanyang bansag na Hipon Girl sa programa ni Willie Revillame na Wowowin. Minahal siya ng kanyang mga tagahanga at tagasubaybay dahil sa pagiging prangka nito kahit pa sa harap ng kamera.

Read also

Ronnie Alonte, sinabing kontento na siya kay Loisa Andalio

Naging laman ng mga balita ang kontrobersiyal na sagutan nila ng Miss Universe Manila na si Alexandra Abdon sa Wowowin. Gayunpaman, nagkaayos silang dalawa at nagkapatawaran na.

Matatandaang matapos niyang makapanayam ni Toni Gonzaga sa kanyang YouTube show na ToniTalks, dumami ang gustong tumulong sa kanya. Pinagshopping din siya ni Alex Gonzaga ng mamahaling bag at sapatos.

Kamakailan ay ibinahagi ni Herlene na kagaya ni Madam Inutz ay napagpasyahan niyang magpa-manage kay Wilbert Tolentino. Abot-abot ang kanyang pasasalamat sa pagtulong sa kanya ni Wilbert lalo na sa pag-ayos ng kanyang bangko para sa kanyang sahod sa YouTube.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel