Lolo sa viral video na nahampas ng baseball bat dahil umano sa away trapiko, nagsalita na
- Nagsalita na ang lolo sa viral video na nahataw ng baseball bat dahil umano sa away trapiko
- Makikita sa video kung paano hinataw ng ilang beses ng baseball bat ang lolo
- Mainam na lamang at may dumaang pulis kaya natigil ang komosyon
- Ayaw sanang magsampa pa ng kaso ng biktima subalit ang mga anak nito ang desididong kasuhan ang nanakit sa kanilang ama
- Ayon sa biktima, wala rin umanong katotohanan na nagka-aregluhan na sila ng nakaalitan niya
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Nagsalita na si Julian Adlao, ang lolo sa viral video kung saan makikitang nahampas umano siya ng baseball bat ng lalaking nakaalitan.
Nalaman ng KAMI na dahil lamang sa pagbusina ni Adlao na nakasakay sa motorsiklo, uminit ng ulo ng nakasakay sa grey na sasakyan.
Sa panayam sa kanya ng NXT ng ABS-CBN, sinabi ni Adlao na nagalit umano ang lalaking sakay ng van dahil sa busina at nilabas ang baseball bat nito.
Makikita sa video ng concerned citizen kung paano hinataw ng makailang beses ang matanda at dumating pa sa punto na natanggalan na ito ng helmet sa lakas ng hampas.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Humingi na raw ng pasensya ang lolo subalit patuloy pa rin umano siyang sinakyan ng nakaalitan.
Nataong may dumating na mga pulis dahilan para matigil ang komosyon at dinala sila sa Las Piñas City Police.
Samantala, may kumakalat na video na tila magkayakap si Adlao at nanakit sa kanya ngunit pinabulaanan ng biktima na nagka-areglo na sila.
Hindi na sana kakasuhan ng biktima ang humataw sa kanya ng baseball bat ngunit desidido ang kanyang mga anak na kasuhan ito.
Narito ang kabuuan ng salaysay ni Adlao mula sa ABS-CBN News:
Kamakailan, nag-viral din ang video ng isang vendor na kinuhaan umano ng kita ng ilang pulis.
Umabot sa halagang Php14,000 ang umano'y nakuha sa vendor na dumulog sa programa ni Raffy Tulfo.
Sa tulong ng RTIA, agad na nabigyang aksyon ang naturang insidente.
Inihayag ni Atty. Garreth Tungol ng programang RTIA, relieved na 'di umano sa pwesto ang mga pulis na kinilalang sina P/CPL Ryan Mateo, P/CPL Mark Christian Cabanilla, P/CPL Rommel Toribio at P/CPL Noel Sison.
Kinumusta na rin nila ang kalagayan ng biktima na patuloy pa rin ang matatanggap na proteksyon sa awtoridad upang masiguro ang kanyang kaligtasan.
Nakatanggap din siya ng tulong mula sa RTIA para sa pang-araw araw na pangangailangan ng kanyang pamilya.
Source: KAMI.com.gh