Kamag-anak ng 26 sa nasawi sa landslide, hiling na makita ang iba pang nawawalang kamag-anak

Kamag-anak ng 26 sa nasawi sa landslide, hiling na makita ang iba pang nawawalang kamag-anak

- Ipinagluluksa ni Mantessa Polvera ang pagkasawi ng kanyang kaanak sa naganap na landslide sa Sitio Waterfalls, Barangay Mailhi sa Baybay City

- 26 sa kanyang mga kaanak ang nasawi sa landslide matapos ang pag-ulan bunsod ng bagyong Agaton

- Nananawagan siya na sana ay huwag tigilan ang search and retrieval operations para mahanap ang iba pang biktima ng landslide

- Aniya, hiling niya na mahanap at makita nila ang iba pang kamag-anak upang kahit papaano ay mailibing pa rin sila

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

26 sa kanyang mga kaanak ni Mantessa Polvera ang inabutan niyang wala nang buhay sa Sitio Waterfalls, Barangay Mailhi sa Baybay City. May mga kamag-anak pa umano silang hindi pa nakikita kaya hiling niya na mahanap at makita nila ang iba pang kamag-anak upang kahit papaano ay mailibing pa rin sila.

Read also

Bangkero sa Surigao, naiyak matapos makatanggap ng biyaya mula kay Madam Kilay

Kamag-anak ng 26 sa nasawi sa landslide, hiling na makita ang iba pang nawawalang kamag-anak
Larawan kuha ni Sharon Evite
Source: Facebook

Umuwi si Polvera sa Leyte mula sa Maynila nang malaman ang nangyari. Kabilang ang mga kamag-anak niya sa mga nasawi sa landslide matapos ang pag-ulan bunsod ng bagyong Agaton.

Apat pa ang hindi nahahanap sa 26 na kamag-anak niyang nasawi.

"Kahit patay na sila makita man lang sila at mailibing man lang sila nang maayos. Kahit ’yun lang naman po ’yung maibigay namin," ani Polvera sa mga awtoridad.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Hindi naging madali ang search and retrieval operations dahil sa lalim at lambot ng putik dulot ng paminsan-minsang pagbuhos ng ulan, bagay na maaaring maglagay sa alanganin ng buhay ng mga naghahanap sa mga biktima.

Sa Barangay Mailhi at Kantagnos na lang ang patuloy ang search and retrieval operations, habang itinigil na ang paghahanap ng mga bangkay sa ibang mga barangay.

Read also

Zeinab Harake, naka-unfollow na sa Instagram account ni Skusta Clee

Sa pagpasok ng pandemya, lalong naging aktibo ang mga Pinoy sa social media. Bukod sa mga lockdown at quarantine restrictions, lalong naging aktibo sa internet at social media ang mga tao. Kaya naman, mas mabilis na rin ang paglaganap ng mga balita. Kadalasan ay nagiging viral ang mga balitang pumupukaw sa interes ng karamihan.

Matatandaang ilan sa mga pinakatinutukang kaso ng pagpaslang ay ang pagbaril ng pulis na si Jonel Nuezca sa mag-ina. Kinalaunan ay nahatulan ito at nakulong hanggang sa kamakailan ay lumabas ang balitang pumanaw na ito.

Pumukaw din sa interes ng publiko ang sinapit ng isang Grab driver na si Jang Lucero. Naging mailap ang pagkuha ng hustisya para kay Lucero matapos ang mahigit isang taon.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate