6 na pulis na nanakit at nagnakaw sa street vendor, nahaharap sa patong-patong na kaso
- Patong-patong na kaso ang kinakaharap ng anim na pulis na sinasabing nanakit at nagnakaw sa street vendor
- Sa nakuhang video, makikita pang lumuhod ang street vendor upang ibalik ang kanyang pera
- Itinanggi naman ng mga suspek na ninakawan nila ang vendor at nagsasagawa lamang umano sila ng anti-drug operation nang makita nilang sumisilip sa sasakyan nila ang vendor
- Hindi na umano magsasampa ng kaso ang naturang vendor ngunit tuloy pa rin ang kasong kriminal at administratibo ayon sa PNP
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Nahaharap sa patong-patong na kaso ang anim na kapulisang nakuhanan sa isang video kung saan makikita ang kanilang pananakit sa isang street vendor. Sa nakuhang video, makikita pang lumuhod ang street vendor upang ibalik ang kanyang pera.
Ayon sa street vendor na si Eddie Yuson, cash assistance mula sa gobyerno ang perang natangay sa kanya. Aniya, apat ang binubuhay niyang mga anak at kamamatay lang din ng kanyang asawa.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Itinanggi naman ng mga suspek na ninakawan nila ang vendor at nagsasagawa lamang umano sila ng anti-drug operation nang makita nilang sumisilip sa sasakyan nila ang vendor.
Hindi na umano magsasampa ng kaso si Yuson laban sa anim na pulis. Gayunpaman, ayon sa PNP ay tuloy ang kanilang kaso.
Kinondena naman ni Police Maj. Gen. Felipe Natividad, director ng National Capital Region Police Office ang ginawa ng mga pulis.
Aniya, ang kanilang ginawa ay "unacceptable behavior deserves the severest sanction from our organization".
"Scalawags and erring members have no place in the PNP and rest assured that we will never tolerate unlawful acts perpetrated by our members."
Sa pagpasok ng pandemya, lalong naging aktibo ang mga Pinoy sa social media. Bukod sa mga lockdown at quarantine restrictions, lalong naging aktibo sa internet at social media ang mga tao. Kaya naman, mas mabilis na rin ang paglaganap ng mga balita. Kadalasan ay nagiging viral ang mga balitang pumupukaw sa interes ng karamihan.
Matatandaang ilan sa mga pinakatinutukang kaso ng pagpaslang ay ang pagbaril ng pulis na si Jonel Nuezca sa mag-ina. Kinalaunan ay nahatulan ito at nakulong hanggang sa kamakailan ay lumabas ang balitang pumanaw na ito.
Pumukaw din sa interes ng publiko ang sinapit ng isang Grab driver na si Jang Lucero. Naging mailap ang pagkuha ng hustisya para kay Lucero matapos ang mahigit isang taon.
Source: KAMI.com.gh