Groom sa Marinduque, nasawi habang patungo sa reception ng kanilang kasal
- Nasawi ang isang groom sa Marinduque na patungo sa kanilang wedding reception
- Bukod sa groom, dalawa pa ang pumanaw sa aksidente kabilang na ang isang batang babae
- 28 pa ang sugatan na pawang mga sakay din ng jeep kung saan lulan ang groom
- Sinabing nawalan ng preno ang sinasakyang jeep ng groom at bisita sa kasal
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Nauwi sa mapait na aksidente ang masaya sanang pagtitipon gayung nasawi ang groom patungo sa kanilang wedding reception.
Nalaman ng KAMI na nasawi ang 26-anyos na groom na si Alan Roldan mula Torrijos, Marinduque at dalawa pang sakay ng jeep na 'di umano'y nawalan ng preno at nahulog sa bangin.
Sa ulat ng GMA Regional TV News, nasawi rin ang isang batang babae habang ang 28 na lulan pa ng jeep ay pawang sugatan din.
Sa inisyal na imbestigasyon, naganap ang pag-iisang dibdib nina Alan sa Sta Cruz, subalit ang selebrasyon at wedding reception naman ay sa Barangay Buangan.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Nasa kustodiya naman ng pulisya ang driver ng jeep at inaasahang haharap sa patong-patong na reklamo.
Samantala, walang naibigay nang pahayag kung ano ang kalagayan ng bride na labis na naghihinagpis sa sana'y masayang araw nila ng kanyang mister.
Narito ang kabuuan ng ulat:
Sa kabila ng pandemya at patuloy na paglaganap ng COVID-19, marami ang hindi papigil at itinutuloy pa rin ang pag-iisang dibdib lalo na at karamihang bahagi ng bansa ay pawang nasa alert level 1 na lamang.
Kamakailan, agaw-eksena rin sa social media ang video ng isang pari na siyang nagkasal mismo sa kanya raw ex-girlfriend. Nakatutuwang inamin niya ito sa kasal na nilarawan niyang doon lamang siya pinagpawisan nang husto.
Kinagiliwan at hinangaan din ng marami ang isang kasalan na Php3,000 lang ang nagastos ng bride at groom sa kanilang wedding reception na ginanap sa Mang Inasal.
Gayundin ang isang bride na ayaw ng enggrandeng kasalan kaya naman niregaluhan na lamang siya ng kanyang groom ng 6000 sqm na lote.
Sa panahon ng pandemya, ilan lamang sila sa mga hindi nagpatinag sa virus at itinuloy pa rin ang kanilang pag-iisang dibdib. Siniguro lamang nila ang pagsunod sa safety protocols at tamang bilang ng mga panauhin.
Source: KAMI.com.gh