Rappler, ipinaliwanag bakit naka-pink ang mga paring nagmisa ngayong Marso 27
- Ipinaliwanag ng isang Rappler News Editor ang dahilan bakit naka-pink ang mga paring nagmisa ngayong Marso 27
- Tila inakala kasi ng marami na may kaugnayan ito sa pulitika partikular na sa mga sumusuporta kay VP Leni Robredo
- Ito umano ay nakabase sa tinatawag na Liturgical calendar ng simbahang Katoliko
- At ngayong Marso 27, naka-kalendaryo sa buong mundo ang pagsusuot nila ng pink na tinatawag nilang 'Laetare Sunday'
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Nagbigay paliwanag ang Rappler News Editor na si Paterno Esmaquel II kung bakit naka-pink ang mga pari ng simabahang Katoliko ngayong linggo, Marso 27.
Nalaman ng KAMI na tila marami ang nag-aakalang may kaugnayan ito sa pulitika partikular sa presidential candidate Leni Robredo na ang napiling kulay ay pink sa kanyang pagkandidato.
Ayon kay Esmaquel, ang pagsusuot ng pink ng mga pari ay nakabase sa liturgical calendar ng mga Katoliko sa buong mundo.
"'Yung liturgical calendar, mayroon doong dalawang linggo, dalawang Sunday kung saan pu-pwedeng mag-pink ang mga pari," paliwanag ni Esmaquel.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
"Itong linggong ito, March 27, 2022, Naka-kalendaryo sa simbahan sa buong mundo na ang mga pari ay magsusuot ng kulay pink,"
"Ang tawag sa linggong ito ay Laetare Sunday. Laetare, ito'y isang salitang Latin na nangangahulugang 'Rejoice' o 'Magsaya.'"
Pinalawig pa ni Esmaquel ang kahulugan nito lalo na at bahagi pa rin ngayon ng 40 na Kwaresma kung saan dapat na nangingilin ang mga tao at nagsisisi sa kanilang mga kasalanan.
Ang Laetare Sunday din umano ay inilaan upang sa kabila ng paghihintay sa Easter Sunday ay magkaroon ng pagkakataong magsaya at magkaroon ng bagong pag-asa ang mga Katoliko sa buong mundo.
Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag:
Samantala, sa Pilipinas, ang pink ay kulay ng kumakandidatong presidente na si Leni Robredo.
Ngayong panahon ng kampanya, nakikila ang supporters ng 'Leni Robredo-Kiko Pangilinan' tandem dahil sa pagsusuot nila ng pink tuwing mayroon silang pagtitipon.
Kaya naman ang mga nagsidalo sa PasigLaban noong Marso 20 kung saan naitala ang pinakamalaking bilang mga mga dumalo sa kanilang mga isinasagawang People's rally, tinatayang 137,000 na 'Kakampink' ang nagsuot ng damit na pink o kahit ano na may kulay 'Rosas'.
Source: KAMI.com.gh