Vico Sotto, napa-"haha" sa video ng panayam kay Vice Mayor Iyo Bernardo

Vico Sotto, napa-"haha" sa video ng panayam kay Vice Mayor Iyo Bernardo

- Agad na napuna ng mga netizens ang "Haha" react ni Pasig City Mayor Vico Sotto sa isang video ng Pasig News Today

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

- Ito ang live coverage sa prosecutor's office kung saan makikita si Vice Mayor Iyo Bernardo at ang kanyang abogadong si Ramon Gerard Hernandez

- Sinampahan ng cyberlibel complaint ni Bernardo si Sotto sa Bulwagan ng Katarungan ng kanilang siyudad

- Ayon kay Vice Mayor Iyo, ang kanyang sinampang complaint ay base sa statements ni Mayor Vico sa isang flag ceremony na naganap noong January 10, 2022

Hindi nakaligtas sa mapanuring mata ng mga netizens ang "haha" react ni Pasig City Mayor Vico Sotto sa isang video ng Pasig News Today kung saan pinakita nila ang live coverage sa prosecutor's office kung saan makikita si Vice Mayor Iyo Bernardo at ang kanyang abogadong si Ramon Gerard Hernandez.

Read also

Valentine Rosales, "undecided" na sa susuportahang Presidential candidate

Vico Sotto, napa-"haha" sa video ng panayam kay Vice Mayor Iyo Bernardo
Vico Sotto kasama ang mga magulang na sina Vic Sotto at Coney Reyes (@vicosotto)
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sinampahan ng cyberlibel complaint ni Bernardo si Sotto sa Bulwagan ng Katarungan ng kanilang siyudad. Ayon kay Vice Mayor Iyo, ang kanyang sinampang complaint ay base sa statements ni Mayor Vico sa isang flag ceremony na naganap noong January 10, 2022.

Sa naturang flag ceremony, sinagot ni Sotto ang bise alcalde ng lungsod nang punahin nito ang sistema sa pamamahagi ng ayuda sa Pasig.

"Sana bago tayo mag-usap tungkol sa pulitika, bago tayo mamulitika... Ito po, pagpasensiyahan niyo na po, kailangan ko lang din po sabihin.E kung nakakausap ko sana si Vice Iyo, at kung sumasagot ka sana sa tawag at text ko, e di sana hindi ko kailangan sabihin in public. Pero wala na rin po akong choice kasi hindi naman nga po sumasagot sa akin.

Read also

Sarah G, trending dahil sa picture na kasama ang composer ng 'Leni Tayo' at 'Rosas'

Dagdag pa ni Vico, bago mamulitika sana ay magtrabaho muna.

Si Vico Sotto ay nakilala bilang anak ng TV host na si Vic Sotto at batikang aktres na si Coney Reyes. Kasalukuyan siyang nanunungkulan bilang Mayor ng Lungsod ng Pasig.

Isa siya sa pinakapinupuring mga alkalde dahil sa magagandang proyektong kanyang pinapatupad sa kanyang nasasakupan.

Samantala, kinaaliwan ng marami ang pakiusap ni Vico tungkol sa pagpapadala ng kanyang mga nasasakupan tungkol sa kanilang COVID-19 vaccination pictures.

Matatandaang pumanaw ang driver ni Vico matapos itong tamaan ng COVID.

Source: KAMI.com.gh

Tags:
Online view pixel