Estudyanteng Php100 na lang ang pera sa barko, natulungan ng kapwa pasahero
- Viral ang post ng isang estudyante na natulungan ng noo'y hindi pa niya nakikilalang kapwa pasahero
- Aniya, nakinig umano ng pasahero ang usapan nila ng kanyang ina sa cellphone tungkol sa kulang na pera nito na pamasahe patungong Palo, Leyte kung saan siya nangungupahan
- Php100 na lamang daw noon ang pera ng estudyante na nakasakay sa barko kaya napatawag ito ng sa kanyang ina
- Laking gulat niya nang siya'y bumalik sa pagpapahangin, nakita niya ang note na may kalakip na Php1,000
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Umantig sa puso ng netizens ang post ni Mark Napallacan tungkol sa pagtulong sa kanya ng isang hindi pa niya nakikilalang kapwa pasahero noon.
Nalaman ng KAMI na sakay noon ng barko patungong Palo, Leyte kung saan umano ito mangungpahan.
Napatawag daw siya sa kanyang ina gayung Php100 na lamang ang kanyang pera na kulang na kulang na sa kanyang pagbibiyahe.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Lingid sa kanyang kaalaman, isang kapwa pasehero na pala ang nakarinig ng kanilang usapan ng ina.
Matapos ang pag-uusap sa cellphone, naisipang magpahangin muna ni Mark at sa kanyang pagbabalik sa kanyang higaan, doon niya nakita ang note na may kalakip na Php1000 na galing umano sa nagpakilalang si Pia.
Hindi niya agad nakilala pa kung sino ang Pia na ito na nagmagandang loob na tulungan siya.
Ngunit matapos na mag-viral ang post, nabigyan siya ng pagkakataong makilala at mapasalamatan si Pia na may ginintuang puso para tumulong sa mga taong nangangailangan kahit pa hindi niya ito kilala.
Narito ang kabuuan ng post:
Sa loob ng dalawang taon na tayo'y dumaranas ng pandemya, nakatutuwa pa ring isipin na may mga kwento ng bibigay ng inspirasyon at pag-asa sa atin upang huwag sukuan ang kabi-kabilang pagsubok sa buhay na dinaranas maging ng mga estudyante.
Tulad na lamang ng isang fruit vendor na nakuhanan ng video at litrato na dumadalo ng kanyang online classes at gumagawa ng kanyang gawain sa klase habang naglalako.
Gayundin naman ang isang delivery rider na nagagawa pa ring dumalo ng kanyang online classes habang rumaraket sa pagtatrabaho.
Sa kabila ng hirap at sakripisyo, patuloy lamang sila sa pagsisikap upang makamit din nila ang kanilang mga pangarap sa buhay.
Source: KAMI.com.gh