Suki ng beauty contest sa Saudi, isa na ngayong transman

Suki ng beauty contest sa Saudi, isa na ngayong transman

- Isa na ngayong transman ang dating suki ng beauty contest sa Saudi na si Nick

- Madalas umano siyang isali ng kanyang ina sa mga pageant kaya naman laking gulat ng Dabarkads ng 'Eat Bulaga' nang makita ang larawan niya dati

- Aniya, hindi naging madali ang panindigan ang pagiging transman niya ngayon

- Ang mahalaga, supportive naman ang kanyang ina na tinatawag na siyang 'son' ngayon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Marami ang namangha sa kwento ni Nick na isa sa mga naging panauhin ng 'Bawal Judgmental' ng Eat Bulaga.

Nalaman ng KAMI na si Nick ay isang transman na talagang nag-anyo nang lalake.

Suki ng beauty contest sa Saudi, isa na ngayong transman
Photo from Nick/ Eat Bulaga
Source: Facebook

Naikwento niyang madalas dati na naisasali siya ng kanyang ina sa mga beauty contest noong na sa Saudi pa siya.

Unica hija rin kasi siya nito noon, kaya naman hindi rin niya matanggihan ang kagustuhan ng ina na sumali siya sa mga pageants.

Read also

Cristy Fermin sa lumabas na larawan nina Diego at Barbie; "Mga batang pag-ibig kasi ito"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Aminado si Nick na hindi naging madali sa kanya ang pagdedesisyon na maging isang transman.

"Since 'yun nga, nag-pageant ako dati laging sinasabi ng mga tao 'sexy', hindi ako natutuwa. 'Nung time na 'yun medyo mabigat siya sa dibdib," Kwento ni Nick.

Sa ngayon, aminado siyang mayroon pa ring pinagdadaanan sa pagbabago ng kanyang katawan lalo na at hindi pa umano siya sumasailalim sa chest surgery. Ito raw kasi ang nagiging hadlang sa pag-explore pa niya sa pagpapanatili na maging fit.

Kung noon, unica hija raw siya ng ina masaya na siya ngayon na suportado siya nito at tinatawag na rin siya nito na 'son'

Ang Eat Bulaga ang longest-running noontime show sa Pilipinas. 1979 pa nang una itong maisa-ere sa RPN 9 kung saan orihinal na host na nito ang TVJ o ang "Tito, Vic and Joey."

Read also

Mystica, nanggalaiti matapos ipahiya umano ng security personnel ng isang mall

Mula taong 1995, GMA na ang naging tahanan ng Eat Bulaga hanggang sa kasalukuyan. Isa sa pinakaaabangang portion ng noontime show ay ang 'Bawal Judgmental' kung saan iba't ibang kwento ng kanilang mga panauhin ang naibabahagi at nagiging inspirasyon sa marami.

Matatandaang nag-viral din ang nakamamanghang kwento ng pag-ibig ni Danny Cortezano at ang kanyang namayapa nang misis na si Lorna.

Buong tapang na naikwento rin ni Danny sa 'Bawal Judgmental' ang masasayang taon na nakasama niya ang misis hanggang sa mga huling sandali nito lamang Disyembre ng 2020 bago ito bawian ng buhay.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica