Netizen, nanlumo matapos makitang inanay ang kanyang ipong pera

Netizen, nanlumo matapos makitang inanay ang kanyang ipong pera

- Hindi maitago ng isang netizen ang kanyang panlulumo matapos makita ang laman ng kanyang alkansya

- Kinain ng anay ang ilan sa mga perang papel na kanyang inipon kaya nanghinayang siya

- May mga pera namang buo pa at mapapakinabangan ngunit aniya ay umabot sa mahigit isang libo ang talagang butas-butas

- Aniya, huwag gumamit ng karton na alkansiya para na rin maiwasang danasin ang nangyari sa kanya

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Nanlumo ang isang netizen matapos niya makita ang kinahinatnan ng laman ng kanyang alkansya. Marami sa kanyang inipong pera ang nasira dahil sa anay. Mayroon namang nailigtas at hindi pa tuluyang nakain ng anay ngunit mahigit isang libo umano ang hindi na talaga mapakinabangan.

Netizen, nanlumo matapos makitang inanay ang kanyang ipong pera
Screenshot from RANDY GASANG BOGANUTAN/TikTok (@andygasangboganutan)
Source: Facebook

Agad na nag-viral ang mga TikTok videos na ito ng TikTok User na si Randy Boganutan. NPayo niya, huwag gumamit ng karton na alkansiya para na rin maiwasang danasin ang nangyari sa kanya.

Read also

Misis ng driver ng inangkasang motor ni VP Leni sa pagiging 'Kakampink'; "Napabilib niya ako"

Narito naman ang komento ng ilang netizens:

Pang barya lang kasi yang alkansya na yan dahil papel yan or karton aanayin talaga yan lalo kung mabasa. pagkarton talaga kinakain ng anay talaga tska dapat maginsecticides na cla kc baka kumalat pabyan makain pa at sirain pa ang iba dyan sa lugar na yan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sayang Naman yung pinaghirapan mo lods kakalungkot naman lods. Pag mag angkalsya kayo lagyan niyo po ng maraming paminta at laurel para di uurin o magka insekto
Maanay tlga yan kasi ung alkansya na ginamit mo ay karton lang?? lam mo nman kpag kar5on inaanay tlga yan. dpat alkansya mo gawa sa lata. mas ok yun.

Sa pagpasok ng pandemya, lalong naging aktibo ang mga Pinoy sa social media. Bukod sa mga lockdown at quarantine restrictions, lalong naging aktibo sa internet at social media ang mga tao. Kaya naman, mas mabilis na rin ang paglaganap ng mga balita. Kadalasan ay nagiging viral ang mga balitang pumupukaw sa interes ng karamihan.

Read also

Madam Inutz, emosyonal nang makita ang bawat sulok ng ipinagagawang bahay

Matatandaang ilan sa mga pinakatinutukang kaso ng pagpaslang ay ang pagbaril ng pulis na si Jonel Nuezca sa mag-ina. Kinalaunan ay nahatulan ito at nakulong hanggang sa kamakailan ay lumabas ang balitang pumanaw na ito.

Pumukaw din sa interes ng publiko ang sinapit ng isang Grab driver na si Jang Lucero. Naging mailap ang pagkuha ng hustisya para kay Lucero matapos ang mahigit isang taon.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate