OFW sa Jordan, 18 taon na sa pamilya ng amo na napakabait sa kanya
- Ibinahagi ng isang OFW sa Amman, Jordan ang kanyang magandang kalagayan sa among napakababait umano sa kanya
- Tuwing ipakikilala siya sa mga kaibigan ng amo, hindi katulong kundi best friend ang pakilala sa kanya
- Matulungin at madaling kausap ang kanyang mga amo na kailanma'y hindi siya pinagdamutan
- Sinabing sasagutin pa ng amo niya ang pagkakaroon niya ng bahay gayung pinapili siya nito kung kasal ba o bahay
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Naikwento ng Overseas Filipino worker sa Amman, Jordan na si Jocela Malatina ang kabaitan ng kanyang mga amo na pamilya na ang turing sa kanya.
Nalaman ng KAMI na mababait at talagang hindi siya pinababayaan ng kanyang mga amo na kailanma'y hindi siya ipinakilala bilang kasambahay nila.
Dahil dito, halos dalawang dekada na siyang nananatili sa pamilya ng amo niyang suportado talaga siya sa halos lahat ng bagay.
Narito ang pahayag ni Jocela na sa KAMI na kapupulutan ng aral at inspirasyon:
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
"Hello po ako po ay isang OFW po sa Amman Jordan. Ako po ay 18 years na sa amo, until now andito pa din ako sa kanila. Ang mga amo ko po super duper mabait po sila, dahil tinuring akong parang pamilya nila. Lagi ako pinagsabihan ng amo ko na wag daw ako mag-isip na ibang tao ako sa kanila, isipin ko po daw na pamilya nila. Lagi nila ako noon pinagsabihan na hanapan nila ako ng asawa ko dito para daw dito ako mag stay sa lugar nila.
At nag-travel po ako sa London sinama po ako doon one month kami nag-stay po doon tapos lahat kaibigan niya po doon na doctor lagi ako ipakilala po na best friend namin 'to matagal na 'to sa amin she belong in my family, she is my daughter. Kahit dito po mga kaibigan nila pag pupunta dito sila di ako ipakilala na katulong nila kundi ipakilala ako na isang best friend.
Kapag dating sa financial maasahan ko po sila kahit wla po akong sahod anytime ako po mag advance na ilang buwan na sahod walang problema sa kanila po mag ask pa sila sa ako you need more ganun sila kabait sa akin. Anytime ko po sila pag sheran po ng mga problem ko anjan sila, nakikinig at mag advice sa akin at pag mag sa share ako po na may sakit na malala yung kakilala ko automatic mag sabi amo ko maghelp ako, magpapadala talaga po sya.
Kapag magbakasyon po ako wala ako pera anytime po ako mag-advance sa kanila kahit one year po walang rekalmo po ibang amo pa yan never sila po magpaadvance dahil nga po uuwi ka na sa Pinas po.
Naalala ko noon nadala ako sa hospital po na pasukan tainga ko tubig, parang malala ang tubig sa tainga parang infection na po sabi ng doctor, one month daw ako di pwede mag-work kasi mahina daw katawan ko. Totoo talaga mahina katawan ko di pwede ako magtayo matagal po nagkuha talaga amo ko one month mag-work sa bahay nila ako di ako mag-work na hindi pwede sa ibang mga amo.
Buhay OFW po ay swerte-swertihan lang po sa amo kaya ako sobrang thankful ko nagka-amo ako na gaya nila and then pag nagplan ako uuwi di babalik parang sakit sa heart ko po mga amo pag magkwento kami sa kusina about uwian walang balikan tulo talaga ang luho nila. Basta po wala na talaga ako masabi sa mga amo ko pag nag travelling amo ko kasi sa work niya tuwing uwi may pasalubong ako at nagreregalo talaga sila.
Kung masaya ako, masaya rin sila kaya po deserve na ipagsigawan ko sa buong mundo na mayroon akong mababait na among tulad nila"
Nakatutuwang isipin na marami naman sa ating mga kababayang OFW ang sinusuwerte sa mababait na employer na pamilya na ang turing sa kanila.
Ang ilan, nabibigyan pa ng magandang buhay ng kanilang mga amo na pati ang kanilang pamilya ay binibiyayaan kahit nasa Pilipinas.
Ang iba naman nakapagpapatayo ng sarili nilang negosyo upang sa pagbabalik nila ng Pilipinas ay meron pa rin silang pagkabuhayan.
Kamakailan ay nag-viral din ang kababayan nating si Shirley Alah o mas kilala bilang si Zia Welder na isang welder sa Canada. Marami ang namangha sa diskarte niya sa buhay.
Source: KAMI.com.gh