Basel Manadil, sinurpresa ng bagong motor ang driver niyang 2 oras naglalakad papasok sa trabaho

Basel Manadil, sinurpresa ng bagong motor ang driver niyang 2 oras naglalakad papasok sa trabaho

- Sinurpresa ng vlogger na si Basel Manadil ang kanilang driver ng bagong motorsiklo

- Naglalakad lamang daw kasi ito ng mahigit dalawang oras papasok man o pauwi kung walang masakyan

- Sinabing ito rin umano ang minsang nagiging dahilan kung bakit nali-late daw ito sa trabaho

- Kaya naman naluha ang driver sa 'di inaasahang regalo sa kanya ng kanyang amo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Walang kaalam-alam si Manny Boy, ang driver ng vlogger na si Basel Manadil na mabibiyaan siya ng bagong motorsiklo ng kanyang amo.

Nalaman ng KAMI na kahit ilang buwan pa lamang na nagtatrabaho si Manny kay Basel, sinurpresa na agad niya ito ng nasabing sasakyan.

Basel Manadil, sinurpresa ng bagong motor na naglalakad ng 2 oras papasok sa trabaho
Basel Manadil (Photo from The Hungry Syrian Wanderer)
Source: Instagram

Naglalakad lamang umano ang driver ng mahigit dalawang oras kung wala na itong masakyan papasok sa trabaho o pauwi.

May kalayuan din ang kanilang tirahan sa mismong kalsada kaya naman dagdag pa ito sa oras ng kanyang paglalakad.

Read also

Buko vendor na nanghiram ng CP para makasali sa 'Pera Usog' ng LOL, nanalo ng kotse

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kaya naman nang dalhin na siya ni Basel para pumirma sa papeles ng motor, talagang naluha si Manny gayung malaking tulong ang naturang motorsiklo para sa trabaho at para na rin sa kanyang pamilya.

Narito ang kabuuan ng nakaaantig ng pusong video mula sa YouTube channel na The Hungry Syrian Wanderer:

Si Basel Manadil o mas kilala bilang si 'The Hungry Syrian Wanderer' ay sikat na YouTuber na piniling manirahan sa ating bansa. Mayroon na siyang halos limang milyong subscribers sa YouTube.

Kilala siya sa pagtulong niya sa mga Pinoy lalo na at itinuturing na niyang pangalawang tahanan ang Pilipinas. Bukod sa pagiging vlogger, isa ring restaurant owner si Basel na may-ari ng ilang mga branch ng YOLO Retro Diner at Yeoboseyo Korean Mart.

Ilan sa mga video na umantig sa puso ng kanyang viewers ay ang pamamahagi niya ng tulong sa nasa 20 na taong lansangan na nadaanan lamang niya.

Gayundin ang mga jeepney at taxi drivers na naging matumal ang biyahe noong nakaraang dalawang taon dahil sa pandemya ay naabutan niya ng malaki-laking halaga upang mabigyan ang mga ito ng pag-asang makabangon muli sa kabila ng mga pagsubok.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica