Lolang namumuhay mag-isa, natulungan ng RTIA dahil sa mabuting kapitbahay

Lolang namumuhay mag-isa, natulungan ng RTIA dahil sa mabuting kapitbahay

- Nabigyan ng tulong ang lola na namumuhay na lang mag-isa at nanlilimos ng pangkain kung walang kinita

- Paglalako ng suka at uling ang ikinabubuhay ng lola ngunit minsa'y walang bumibili sa kanya

- Isang kapitbahay ang nagmalasakit na ilapit ang kalagayan ng lolo kay Raffy Tulfo upang ito ay matulungan

- Php100,000 ang naibigay sa lola na naipampagawa nito ng bubong ng kanyang bahay, munting tindahan at iba pa niyang pangangailangan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nabigyan ng tulong Lola Lucita na namumuhay na lamang mag-isa at nanlilimos tuwing wala na siyang makain.

Nalaman ng KAMI na sa tulong ng napakabuti niyang kapitbahay na si Jomer, naidulog sa programa ni Raffy Tulfo ang kalagayan ni Lola Lucita.

Lolang namumuhay mag-isa, natulungan ng RTIA dahil sa mabuting kapitbahay
Si Lola Lucita nang matanggap na niya surpresa sa kanya ng RTIA (Photo from Raffy Tulfo in Action)
Source: Facebook

Hindi naman nag-atubiling tumulong si Tulfo na nagpadala ng Php100,000 para sa mga pangangailangan ng matanda.

Read also

OFW, nagkunwaring bibili sa tindahan ng ama para isurpresa ito

Sinadya rin ng staff ni Tulfo sa Iloilo si Lola Lucita upang makita ang kalagayan nito at malaman kung ano pa ang maitutulong nila.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nalaman nilang bagaman at may anak ang matanda, minabuti niyang mamuhay na mag-isa gayung hindi raw niya makasundo ang anak na nilarawan niyang iba ang ugali.

Kaya naman ang mga kapitbahay na lamang ni Lola Lucita ang tulong-tulong na nagmamalasakit sa kanya.

Pawang paglalako lamang ng suka at uling ang ikinabubuhay ng matanda kaya 'pag walang lako, napipilitan siyang humingi ng makakain sa mga kapitbahay.

Ngayon, sa tulong ng Raffy Tulfo in Action, napaayos na ni Lola Lucita ang butas niyang bubong. Mayroon na rin siyang munting sari-sari store na maari niyang pagkunan ng kanyang panggastos araw-araw.

Naipatingin na rin sa doktor si Lola upang malaman kung mayroon na ba itong karamdaman. Nagmagandang loob pa ang doktor na libre na lamang ang bawat konsultasyon sa kanya ni Lola Lucita.

Read also

Tinderong natulungan ni Basel Manadil, naisip na ibahagi agad ang biyaya

Narito ang kabuuan ng nakaantig ng puso niyang kwento:

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa Pilipinas. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.

Kilala rin siyang YouTube Star sa bansa kung saan may mahigit 22.1 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.

Bukod sa pagbibigay aksyon niya sa sumbong ng kababayan nating naapi, kilala rin si Tulfo sa pagbibigay tulong sa mga kapos-palad.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica