Batang higit ₱100 lang ang pambili ng cake para sa ina, natulungan ng kapwa customer

Batang higit ₱100 lang ang pambili ng cake para sa ina, natulungan ng kapwa customer

- Viral ngayon ang post ng isang customer na naantig ang puso sa batang nakasabay niya sa pagbili sa isang bakeshop

- Nais ng batang isurpresa ang kanyang nanay ng isang birthday cake subalit kulang pala ang pera nito

- Ipambibili na sana ng bata ang pera niya ng bigas dahil 'di ito sapat pambili ng cake

- Ngunit nagmagandang loob ang customer na bayaran na lamang ang cake ng bata para at ipinatago na lang ang pera nito upang may pambili pa siya ng bigas

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Umantig sa puso ng marami ang kwentong naibahagi ni Angelica Bermoro patungkol sa batang nakasabay niya sa pagbili sa isang bakeshop.

Kwento ni Angelica, nakasabay niya ang bata na bibili ng cake para raw sa kaarawan ng kanyang ina na nais niyang isurpresa.

Batang higit ₱100 lang ang pambili ng cake para sa ina, natulungan ng kapwa customer
Photo: cake (Wikimedia Commons)
Source: UGC

Inilabas daw nito ang perang barya, papel na Php20 at Php50. Ngunit nang bilangin ito ng kahera, mahigit 100 lang pala ang kabuuang halaga na kulang pambili ng itinuro nitong cake.

Read also

Angeline Quinto, masayang ipinasilip ang ultrasound ng kanyang baby boy

"Kulang ang pera ko, ibibili ko na lang ng bigas," ang nasabi ng bata ngunit to the rescue naman si Angelica.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nang masaksihan ang nakakatunaw ng pusong eksena, siya na lamang ang nagbayad para sa cake at ipinatago na sa bata ang pera upang mayroon pa rin silang pambili ng bigas.

Narito ang kabuuan ng nakakantig ng pusong post:

Nakatutuwang isipin na marami sa ating mga kababayan ang nakapagbibigay ng tulong sa kapwa nating higit na nangangailangan.

Kamakailan, umantig din sa puso ng marami ang kwento ng apo na nag-ipon ng Php199 para lang makakain sila ng kanyang lolo sa madalas nilang madaanan na Samgyeopsal restaurant.

Tulad din ng vlogger na si Virgelyn ng Virgelyncares 2.0 na ang pangunahing laman ng kanyang mga video ay kung paano siya nagiging instrumento ng pagbabahagi ng biyaya sa mga naghihikahos nating kababayan.

Read also

OFW, nagkunwaring bibili sa tindahan ng ama para isurpresa ito

Kamamkailan, natulungan niya ang isang lolo na namumuhay na lamang mag-isa at buwis buhay na naglalako ng kahoy at anumang tanim na itinatawid pa niya sa malalim na ilog.

Hinakot din ni Virgelyn kamakailan ang mga taong nasa lansangan lamang at walang pang-Noche Buena at kanya itong pinakain sa restaurant at binigyan ng mga Pamasko.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica