Virgelyncares, kinumusta ang natulungang ina na gumagapang na lamang
- Muling binisita ng vlogger na si Virgelyn si Gina, ang isang ina na gumagapang na lamang at hindi na makalakad
- Nagulat man si Virgelyn na wala na ang tindahang ipinagkaloob nila kay Gina sa tulong na rin ng mga OFW, inunawa na lang niya ito
- Paliwanag naman ni Gina, hindi na niya napaikot ang puhunan gayung wala namang makapamili ng kanyang tinda dahil hindi siya makalakad
- Gayunpaman, binigyan muli ni Virgelyn ng tulong si Gina para maipatingin ang mga binti sa pagbabakasakaling makalakad pa muli ito at makapaghanapbuhay
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Kahit natulungan na niya dati, binisita muli para kumustahin ng vlogger na si Virgelyn ang isang inang gumagapang na lamang dahil sa hindi na makalakad.
Matatandaang sa unang pagbisita ni Virgelyn sa inag si Gina, naluha talaga ito dahil nakita niya ang hirap ng ginang na kumilos para magampanan pa rin ang mga gawain sa bahay.
Sa pagbabalik ni Virgelyn, nagulat ito nang makitang wala na ang munting tindahan na kanilang ibinigay para may pagkakitaan si Gina.
Paliwanag naman nito, hindi na niya napaikot ang puhunan gayung wala namang makapamili ng mga ititinda dahil hindi siya makalakad.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Ang anak naman niyang binatilyo na siya sanang maasahan niya ay nagawa na silang iwan. Buhat nang magkatrabaho raw ito, napansin niyang nagkaroon na ito ng bisyo hanggang sa hindi na raw ito umuuwi.
Gayunpaman, inabutan pa rin ni Virgelyn ng tulong si Gina upang maipatingin nito ang kanyang mga binti sa pagbabakasakaling makakalakad pa ito para makapagtrabaho.
Narito ang kabuuan ng video mula sa Virgelyncares 2.0 YouTube channel:
Si Marco Rodriguez o mas kilala bilang si Virgelyn ng 'Virgelyncares 2.0' ay isang YouTube content creator sa Bicol na ang pangunahing laman ng kanyang mga video ay ang pagtulong sa kapwa.
Dahil din sa mga subscribers niya ng mga overseas Filipino workers o OFW, lalong dumarami ang kanyang mga natutulungan. Umabot na sa 1.33 million ang kanyang mga subscribers.
Si Virgelyn ang naging daan upang makita ng publiko ang kalagayan ngayon ng dating artista na si Mura.
Dahil din dito, napuntahan ito ng kanyang kaibigan at partner sa mga palabas sa telebisyon na si "Mahal" ilang linggo bago ito pumanaw nitong Agosto 31.
Kamakailan, nagdiwang ng kaarawan si Virgelyn kung saan mas pinili niyang makasama ang Aeta community sa kanila para mabigyan niya ang mga ito ng tulong.
Source: KAMI.com.gh