OFW, nagkunwaring bibili sa tindahan ng ama para isurpresa ito
- Viral ang video ng isang OFW mula Japan na naisipang isurpresa ang kanyang ama
- Dahil sa pandemya, hindi nakauwi ang OFW na taon-taon talagang nakakauwi sa Pilipinas
- Nagulat na lamang ang kanyang ama nang dolyar ang ibinayad niya sa pagpapanggap na bibili lang sa kanilang tindahan
- Maraming netizens ang naantig ang puso sa muling pagkikita ng mag-ama
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Agaw-eksena sa social media ang video ng Overseas Filipino worker na si Jefferson Leaño Naraga na nakauwi na ng Pilipinas.
Nalaman ng KAMI na dalawang taong hindi nakauwi si Jefferson sa bansa dahil sa pandemya.
Taon-taon namang nakakauwi si Jefferson subalit dala ng mga restrictions at pag-iingat na rin sa COVID-19, kamakailan lamang siya nakabalik sa mga mahal niya sa buhay.
Alam ng iba nilang kapamilya ang kanyang pagdating at sinabihan niya rin ang mga ito ng kakaibang pagsurpresa sa kanyang ama.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Suot ang kanyang mask at face shield, hindi agad nakilala si Jefferson ng kanyang tatay.
Nagpanggap itong bibili lang sa kanilang tindahan. At nang makita ng ama na dolyar ang ibinayad sa kanya, nagulat na agad ito.
Hindi nagtagal at napansin na nitong iyon pala ang anak niyang OFW.
Kwento ni Jefferson, dating OFW ang kanyang ama at nang magretiro, naisip naman nitong magtayo ng tindahan upang mayroon pa ring kita.
Kaya naman ganoon na lamang ang pagmamahal at pagpapahalaga nila sa kanilang ama na marami rin ang naisakpisyo para sa kanilang pamilya.
Narito ang kabuuan ng viral video na naibahagi rin ng Philippine Star:
Nakatutuwang isipin na marami naman sa ating mga kababayang OFW ang nakakabalik at nabibisita ang kanilang mga mahal sa buhay sa Pilipinas.
Ang ilan, maayos ang trato ng kani-kanilang amo o employer dahilan para sila ay bumalik at makapagpundar ng mga ari-arian para sa naiwan nilang mahal sa buhay sa bansa.
Ang iba naman nakapagpapatayo ng sarili nilang negosyo upang sa pagbabalik nila ng Pilipinas ay meron pa rin silang pagkabuhayan.
Kamakailan ay nag-viral din ang kababayan nating si Shirley Alah o mas kilala bilang si Zia Welder na isang welder sa Canada. Marami ang namangha sa diskarte niya sa buhay.
Source: KAMI.com.gh