82-anyos na lola, anim na kilometro ang nilakad para sa 2nd dose ng kanyang COVID-19 vaccine
- Marami ang humanga sa isang lola sa Kidapawan City na nagawang maglakad ng anim na kilometro para lang makapagpabakuna
- 2nd dose na raw ng kanyang COVID-19 vaccine at walang reklamong nilakad ng lola ang vaccination site na may kalayuan sa kanila
- Kasama man ang apat niyang apo, hindi pa rin matatawaran ang lakas ni lolo na sa paglalakad para lang sa kanyang bakuna
- Aniya, sa edad niyang 82, sanay at kayang-kaya pa niyang maglakad ng malayo maging ang pag-ahon sa bundok
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Kahanga-hanga ang ginawa ng 82-anyos na si Lola Anatacia Alferez na matiyagang naglakad ng anim na kilometro patungong vaccination site sa Arakan, Cotabato.
Nalaman ng KAMI na 2nd dose na pala ni Lola Anatacia ng pagpapabakuna kontra COVID-19 at nagmula pa siya sa mabundok na lugar ng Kinawayan.
Sa ulat ng Inquirer, humanga umano ang municipal health officer ng Arakan na si Dr. Karen Canario kay Lola Anatacia gayung nawawawalan na siya noon ng pag-asang kumbinsihin ang mga nakatatandaang Manobo sa kanila na magpabakuna.
Hanggang sa kalauna'y nakumbinsi na nila ang mga ito lalo na ang mga lider ng kanilang tribo na siyang nagkumbinsi naman sa kanilang mga tao na magtungo sa vaccination site para magpabakuna.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Ayon naman kay Lola Anatacia, naipaunawa sa kanya ang pabatid ng mga eksperto patungkol sa COVID-19 vaccine. Alam niyang hindi man nito masusupil ang virus subalit magsisilbing proteksyon ito upang hindi na lumala ang karamdaman sakaling tamaan.
Aniya, malaking bagay na sanay na silang maglakad kaya naman hindi niya ininda ang layo ng pagpunta sa site upang makumpleto ang kanyang COVID-19 vaccine.
Samantala, nag-viral din kamakailan ang video ni Gemma Parina kung saan nakapanayam siya habang namimili ng kanyang mga paninda.
Agad na nag-sorry rin ito at humingi ng tawad gayung hindi niya napigilan ang sarili na maglabas ng saloobin patungkol sa "no vaccine, no ride" na ipinatutupad.
Aniya, naglakad siya patungong palengke at maglalakad muli pauwi dahil sa 'no vaccine, no ride' policy.
Hindi rin daw siya pinapasok sa mismong palengke dahil sa 'no vaccine, no entry' na ipinatutupad din.
Matatandaan naman na nilinaw naman ng Department of Transportation ang mga exempted sa polisiyang ito ang may mga manggawa at mayroong medical condition na makapagpapakita ng patunay mula sa pagamutan o ospital na nagsasabi ng tungkol sa kanilang karamdaman.
Source: KAMI.com.gh