Arnold Clavio, ipinagdasal na lang ang bashers na gustong lumala ang karamdaman niya
- Sa kanyang pag-faling mula sa COVID-19, naghayag ng mensahe si Arnold Clavio
- Pinasalamatan niya ang lahat ng nangamusta at nagpakita ng pagmamahal at pagmamalasakit sa kanya
- Kabilang sa kanyang pinasalamatan ay ang kanyang pamilya at mga kaibigan na aniya ay kanyang naging lakas at sandigan
- Para naman umano sa mga taong umasang lumala ang kanyang kalagayan at tuluyang mamatay, panalangin lamang ang kanyang maigaganti sa mga ito
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Sa kanyang pagtagumpay sa laban niya sa COVID-19, nagbahagi ng mensahe si Arnold Clavio hindi lamang sa mga taong kanyang pinasasalamatan kundi maging sa mga taong naghangad ng hindi maganda para sa kanya.
Pinasalamatan niya ang lahat ng nangamusta at nagpakita ng pagmamahal at pagmamalasakit sa kanya.
Ang mga panalangin at mensahe, pangungumusta at tawag, ang nagsilbing bitamina para labanan namin pareho ang Omicron variant ng Covid19.
Kabilang sa kanyang pinasalamatan ay ang kanyang pamilya at mga kaibigan na aniya ay kanyang naging lakas at sandigan.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Sa aking pamilya, mga mahal sa buhay, kaanak, ka-trabaho, kalaro at lalo na kayong mga kapuso, mga viewer, listener at reader ko at follower sa Instagram (@akosiigan) at Facebook (@iGanclavio), maraming maraming salamat po. Kayo ang aking naging lakas at sandigan.
Para naman umano sa mga taong umasang lumala ang kanyang kalagayan at tuluyang mamatay, panalangin lamang ang kanyang maigaganti sa mga ito.
Sa mga umasa na ako ay lumala at tuluyang mamatay, panalangin po ang aking alay. Nawa’y hindi ninyo maranasan ang nararanasan ngayon ng marami sa Pilipinas at sa buong mundo. Kalakip ang kaliwanagan ng isipan at mabatid na tayong lahat ay may pananagutan sa piling Niya.
Si Arnold Clavio ay kilala din sa bansag na Igan at nakilala bilang isang radio at TV newscaster, journalist at TV host. Isa siyang anchorman sa news program ng GMA-7 na Saksi kung saan kasama niya si Pia Arcangel. mayroon din siyang programang Dobol A sa Dobol B on DZBB kasama si Ali Sotto na napapakinggan tuwing umaga.
Kamakailan ay inalmahan niya ang fake news tungkol sa long ride news na umano'y binalita sa 24 Oras.
Usap-usapan din ang reaksiyon nila ni Susan Enriquez matapos hindi nasagot ng isang field reporter ang kanilang tanong.
Source: KAMI.com.gh