Pamangkin ni Lolo Nardo Flores, pinasalamatan ang mga nagpaabot ng tulong

Pamangkin ni Lolo Nardo Flores, pinasalamatan ang mga nagpaabot ng tulong

- Nagpaabot ng pasasalamat ang nagpakilalang pamangkin ni Lolo Nardo Flores

- Si Lolo Nardo ang 80-anyos na inaresto sa pangunguha ng mangga at na-detain sa Asingan Police Station sa loob ng isang linggo

- Nito lamang Enero 20 nang siya'y pansamantalang makalaya dahil sa pagdagsa ng mga nagmalasakit sa kanya na nagpaabot ng pampiyansa at iba pang tulong

- Isa na rito ang negosyanteng si Shiwen Lim na sumadya pa sa Pangasinan mula Pampanga para personal na iabot ang tulong niya para kay Lolo Nardo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nagpasalamat si Rona Jean Flores, ang nagpakilalang pamangkin ni Lolo Nardo Flores sa mga tumulong sa kanila.

Matatandaang si Lolo Nardo at hindi "Narding Floro" na unang naiulat ay ang 80-anyos na na-detain sa Asingan Police Station sa Pangasinan dahil umano sa pangunguha nito ng mangga.

Read also

82-anyos na lola, anim na kilometro ang nilakad para sa 2nd dose ng kanyang vaccine

Sa Facebook post ni Rona, taos-puso nitong pinasalamatan ang mga taong nagmalasakit na magbigay ng tulong sa kanyang Uncle Nardo na isang linggong nanatili sa nasabing police station at pansamantala nang nakalaya noong Enero 20.

Pamangkin ni Lolo Nardo Flores, pinasalamatan ang mga nagpaabot ng tulong
Ang pamangkin ni Lolo Narding. Photo from Shiwen Lim TV
Source: Facebook

Nilinaw din niya kung sino-sino talaga ang mga nagpaabot ng tulong sa kanyang tiyo.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"To clarify lang po sa lahat po ang unang nag-abot po sa amin ng tulong ay si Lim Shiwen ng umaga ng 20th ng January upang pangpiyansa kay uncle, at pagpasok namin sa loob po nagbigay din daw po si coucilor William Cezar ng gabi ng 19th ng January ng pera na mismong inabot kay uncle Nardo"
"Nagbigay din po ng pera ang PNP po ng 20th ng january din po ng umaga po. No worries lahat po ng binigay niyo ay di masasayang gagamitin po namin to ito para kay uncle Nardo"

Read also

Negosyanteng sinadya sa Pangasinan si Lolo Narding, nagbigay ng update

Siniguro naman ng pamangkin na ang lahat ng tulong na kanilang natanggap ay hindi masasayang at talagang mapupunta sa kanilang uncle Nardo.

Narito ang kabuuan ng post:

Gumulantang sa publiko ang mga larawan ni Lolo Narding na inaresto dahil lamang sa pagkuha ng mga mangga na siya naman 'di umano ang nagtanim.

Nabanggit niyang nais na sana niyang bayaran ang mga nakuha para na lamang makipagkasundo sa nagsasabing 'may-ari' nito ngunit anim na libong piso raw ang hinihingi ng mga ito.

Samantala, parami nang parami ang mga taong nais na magpaabot ng tulong kay Lolo Narding. Ilan sa mga ito ay sina Ryza Cenon, Xian Gaza at ang negosyante at vlogger at pilantropong si Shiwen Lim ng Sabrinacio Clothing and Footwear.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica