80-anyos na inaresto sa pagkuha ng mangga, tutulungan ng isang negosyante
- Handang tumulong ang negosyanteng si Shiwen Lim sa lolo na ipinakulong dahil sa pagnanakaw umano ng mangga
- Matapos na mag-viral ang post tungkol dito, agad na nagpahayag ng kanyang pagtulong si Shiwen
- Nakikipag-ugnayan na rin siya sa Asingan Police Station kung nasaan ngayon ang lolo
- Pinagpipiyansa ito ng Php6,000 na sinasabing pinag-ambagan na ng mga police
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Matapos na mag-viral ang post patungkol sa 80-anyos na lolo na ipinakulong dahil umano sa pagnanakaw ng mangga, agad na nagpahayag ng pagtulong ang negosyanteng si Shiwen Lim.
Sa kanyang Facebook post, naglabas ng saloobin si Shiwen patungkol sa nakakadurog ng pusong pangyayari.
Ayon din kasi sa ulat, ang lolo 'di umano ang nagtanim ng mangga subalit inangkin na ito ng may-ari ng lupain.
Kaya naman hindi nagdalawang-isip na magpaabot ng tulong si Shiwen na kilala talaga sa pagkalinga sa mga kapwa na naaagrabyado o naghihikahos.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
"Pinakulong niyo dahil sa mangga? Paki-send full address ni tatay at kung saan siya naka-detain. Sagot ko na pang-piyansa niya bibigyan ko pa ng hanapbuhay para 'di nakakahiya sa nagpakulong sa kanya."
Bukod dito, handa rin si Shiwen na magbigay ng private lawyer na tututok sa kaso ng lolo.
Bibigyan din niya umano ng sapatos ang magkapagbibigay ng tamang detalye tungkol sa matanda na nakilalang si Lolo Narding Floro.
Sa update ni Shiwen, nakikipag-ugnayan na siya sa Asingan Police Station kung saan nakaditene si Lolo Narding.
Sinasabing nakapagpiyansa na umano ito ng Php6,000 na pinag-ambagan ng mga pulis na nagmalasakit sa kanya.
Narito ang kabuuan ng post:
Matatandaan ding si Shiwen ang mabait na taong nasa viral video na nagpangiti sa dalawang batang naglalako ng merienda dahil pinakyaw niya ang mga paninda nito.
Ang matulunging negosyante rin ang isa sa mga gumawa ng paraan para makalaya ang 72-anyos na tsuper na si Elmer Cordero na na-detain dahil sa pakikiisa sa inakalang rally sa may EDSA kasama ang mga ibang jeepney driver.
Si Shiwen Lim ang negosyanteng may-ari ng Sabrinacio Clothing and Footwear na ang isa ring adhikain ay tumulong sa kapwa na walang pinipiling oras at pagkakataon.
Source: KAMI.com.gh