80-anyos na Lolo, kinasuhan dahil sa umano'y pagnanakaw ng mangga
- Marami ang naantig sa kwento ng isang 80-anyos na lolo na umano'y kinasuhan ng pagnanakaw
- Tinatayang hindi aabot sa sampong kilo ang manggang kanyang nakuha sa pag-aakalang pagmamay-ari niya ang mangga na siya mismo umano ang nagtanim
- Gayunpaman, nasakop na ito at nabakuran kaya minabuti na lamang niyang makiusap at makipagsundo ngunit ayaw umanong tanggapin ng nagkaso ang kanyang bayad
- Ang korte ay may ipinataw na piyansa sa halagang P6,000 para sa kanyang pansamantalang kalayaan
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Isang 80-anyos na lolo ang kinasuhan ng pagnanakaw sa manggang inakala niyang pagmamay-ari niya.
Sa post na binahagi ng Facebook page na Bicol News, minabuti umano ni Lolo Narding Floro na makiusap sa nagkaso kung pwedeng magbayad na lamang siya ngunit hindi umano tinanggap ang kanyang bayad at nais siyang pagbayarin ng anim na libo bilang piyansa.
“Ang gusto ko sana makipagsundo, maliit lang naman kasi na bagay, noong ibibigay ko yung bayad ayaw nilang tanggapin, ang sabi nila bayaran ko ng anim na libo…”
Ang alam nya raw ay pagaari nya ang puno ng mangga na nasakop na matapos na bakuran ng iba, tanim raw niya kasi ang Puno.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Nag-ambag ambag umano ang mga pulis sa Asingan para mabuo ang anim na libong piso na pang-piyansa ni lolo pero dahil Alert Level 3, hindi pa raw mapirmahan ang kanyang release paper. Sa kasalukuyan, nasa pangangalaga ng Asingan Police si Lolo Narding.
Sa pagpasok ng pandemya, lalong naging aktibo ang mga Pinoy sa social media. Bukod sa mga lockdown at quarantine restrictions, lalong naging aktibo sa internet at social media ang mga tao. Kaya naman, mas mabilis na rin ang paglaganap ng mga balita. Kadalasan ay nagiging viral ang mga balitang pumupukaw sa interes ng karamihan.
Matatandaang ilan sa mga pinakatinutukang kaso ng pagpaslang ay ang pagbaril ng pulis na si Jonel Nuezca sa mag-ina. Kinalaunan ay nahatulan ito at nakulong hanggang sa kamakailan ay lumabas ang balitang pumanaw na ito.
Pumukaw din sa interes ng publiko ang sinapit ng isang Grab driver na si Jang Lucero. Naging mailap ang pagkuha ng hustisya para kay Lucero matapos ang mahigit isang taon.
Source: KAMI.com.gh