Frontliners na may COVID pero nagsagawa pa rin ng operasyon sa pasyenteng may COVID din, viral

Frontliners na may COVID pero nagsagawa pa rin ng operasyon sa pasyenteng may COVID din, viral

- Viral ngayon ang larawan ng nurse at anesthesiologist na kahit may COVID-19 ay tumulong sa pagsasagawa ng operasyon sa isang pasyente

- Positibo rin sa COVID-19 ang naturang pasyente kaya naman nag-volunteer na ang dalawa kahit sila mismo ay may virus din

- Hindi sila nagdalawang-isip na magbigay serbisyo sa operasyon para raw hindi na mahawa pa ang iba nilang kasama

- Umani ng mga positibong reaksyon ang larawan at mas lalong humanga ang marami sa buwis-buhay na gampanin ng mga medical frontliners sa laban natin kontra COVID-19

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Umantig sa puso ng maraming netizens ang larawang ibinahagi ni Dr. Caryl Joy Nonan ng D. O. Plaza Memorial Hospital sa Prosperidad, Agusan del Sur.

Nalaman ng KAMI na ang mga nasa larawan ng medical frontliners at maging ang pasyente ay pawang mga positibo sa COVID-19.

Read also

Vico Sotto, nagpositibo sa COVID-19: "But please don't worry"

Frontliners na may COVID pero nagsagawa pa rin ng operasyon sa pasyenteng may COVID din, viral
Medical frontliners (Photo from Pixabay)
Source: Facebook

Aakalaing simple at karaniwang paghahanda lamang sa isang operasyon ang nasa larawan.

Subalit ang nurse at anesthesiologist ay nagboluntaryo nang tumulong sa operasyon, huwag lamang mahawa pa ang iba pa nilang mga kasama lalo na at positibo rin naman sa COVID ang pasyente.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Naka-admit sa naturang ospital ang anesthesiologist habang ang naka-isolate naman ang OR nurse dahil sa kanilang mild symptoms.

Subalit nang malaman ang tungkol sa operasyon, walang pag-aalinlangan na nagbigay pa rin ng serbisyo ang dalawa.

"This is service above and beyond!!! Salamat and saludo ko sa inyo Te Roro and Angkol Ronie! Ang Ginoo na ang mobalos sa inyo!!," ang pagsaludo ni Dr. Nonan sa kanyang mga kasamang kahanga-hanga ang ipinakitang hindi matatawaran na serbisyo.

Makikita ang kabuuan ng post sa Facebook page ni Dr. Caryl Joy Nonan

Read also

Andrea Brillantes, naalarma sa poser; pinare-report ang fake account

Frontliners na may COVID pero nagsagawa pa rin ng operasyon sa pasyenteng may COVID din, viral
Ang nurse at ang anesthesiologist (Photo from Caryl Joy Nonan)
Source: Facebook

Sa ngayon, nakaalaarma ang patuloy na pagtaas ng bilang ng mga tinataaman ng COVID-19 sa kabila ng dami ng taong mga nababakunahan na.

Sinasabing karamihan sa mga kaso ay ang Omicron viariant ng COVID-19 na mas madaling makapanghawa sa tao.

Dahil dito, buwis-buhay pa rin ang mga medical frontliners na patuloy ang pagseserbisyo sa mga pagamutan araw-araw at karamihan na rin sa kanila ngayon ay nagkakasakit na.

Kaya naman pakiusap ng awtoridad na huwag nang tangkaing lumabag sa mga safety protocols, manatili na lamang sa bahay kung walang mahalagang lakad upang maibsan ang patuloy pa ring pagdami ng kaso ng tinatamaan ng COVID-19.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica