Toni Fowler, umalma sa pang-uugnay sa kanya sa reklamo sa nanay-nanayan

Toni Fowler, umalma sa pang-uugnay sa kanya sa reklamo sa nanay-nanayan

- Matapos siyang i-tag sa mga post ng reklamo laban sa dati niyang nakasamang tinawag niyang inay, minabuti ni Toni Fowler na magsalita upang malinis ang kanyang pangalan

- Kaugnay ito sa mga nagrereklamong netizen na nag-invest umano sa negosyo ng Inay Mary Ann ni Toni

- Una niyang nilinaw na hindi niya ito tunay na nanay at nakilala lamang niya ito sa pamamagitan ng isa pa niyang kaibigan

- Ikinuwento niya rin ang aniya'y karanasan ng kaibigan niya na aniya ay inutangan din nito at hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin nababayaran

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Minabuti ni Toni Fowler na linawin ang pandadawit ng ilang netizens sa kanya sa isyung kinakaharap ng nanay-nanayan niya na dati niyang nakasama sa kanyang mga vlogs. Una niyang nilinaw na hindi niya totoong nanay ang tinatawag niya noon na "Inay Mary Ann."

Read also

Anak ni Candy Pangilinan na si Quentin, nag-positibo din sa COVID

Toni Fowler, umalma sa pang-uugnay sa kanya sa reklamo sa nanay-nanayan
Toni Fowler (@tonifowlerpo)
Source: Facebook

Kinuwento niyang nakilala lamang niya ito sa pamamagitan ng isa pa niyang kaibigan. Maging ang kanyang ate Marie umano ay nakapag-invest sa negosyo nito ngunit dahil tinyaga niyang balik-balikan sa bahay ay naibalik ang kanyang pera.

Isa din umano sa kanyang dahilan kung bakit siya nagsalita ay dahil sa kanyang kaibigan na inutangan umano nito. Aniya, baka sakaling makarating sa mga taong maaring makatulong sa mga nagrereklamo ang kanyang pagsasalita.

Dagdag pa niya, pinili niyang manahimik kaugnay sa isyu noong una dahil ayaw niya ng gulo at may galang pa rin siya sa nakaktanda sa kanya. Gayunpaman, sinabi niyang masama din ang kanyang loob sa ginawa ng kanyang nanay-nanayan sa kanyang kaibigan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Toni Fowler ay nakilala sa social media at bilang isang YouTuiber matapos niyang masangkot sa eskandalo kaugnay sa paghihiwalay nina ng aktres at social media star na si Jelai Andres at sa asawa nitong Jon Gutierrez. Sa kabila ng kontrobersiya ay marami ang sumuporta kay Toni at ang naging karelasyon nitong si Rob Moya.

Read also

10-anyos na dating nag-aararo, tuluyang nabago ang buhay matapos maitampok sa KMJS

Kamakailan nga ay agad na nag-viral ang post ni Toni Fowler kung saan pinasalamatan niya si Tito Vince dahil palagi itong nasa tabi niya kahit hanggang magkaibigan lang umano sila.

Naging usap-usapan din ang pagtulong niya sa preparasyon para sa proposal ng kanyang dating karelasyon na si Rob Moya sa bago nitong girlfriend. Gayunpaman, nagkahiwalay din sila.

Source: KAMI.com.gh

Tags:
Online view pixel