Karen Davila at kanyang pamilya, nag-positibo sa COVID-19

Karen Davila at kanyang pamilya, nag-positibo sa COVID-19

- Nagpositibo sa COVID-19 ang broadcast journalist na si Karen Davila pati na rin ang kanyang pamilya

- Sa pagbubukas ng taong 2022, nakumpirmang unang nagpositibo ang kanyang anak dahilan upang magpa-test na rin sila

- Aniya, laking pasasalamat pa rin nilang mild symptoms daw ang kanilang dinaranas

- Katunayan, nagagawa pa rin niyang sumabak sa programa niya sa ANC kahit siya'y nagpapagaling pa rin sa kanilang tahanan

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Kinumpirma ng broadcast journalist na si Karen Davila na nagpositibo siya sa COVID-19 kamakailan.

Nalaman ng KAMI na unang lumabas na positibo sa antigen test ang kanyang anak dahilan para sumailalim lahat silang pamilya sa RT PCR test kung saan lumabas na sila'y positibo na rin.

Karen Davila at kanyang pamilya, nag-positibo lahat sa COVID-19
Karen Davila (@iamkarendavila)
Source: Instagram

“Praise God our symptoms are MILD and I believe that is because we have all been vaccinated & 2 have us have had booster shots," pasasalamat pa rin ni Karen.

Read also

Candy Pangilinan, tinamaan ng COVID-19 sa ikalawang pagkakataon

Aniya, nagtaka ang ilan dahil hindi siya napanaood sa TV Patrol. Subalit dahil sa mild lamang ang kanyang sintomas, nagagawa pa rin niya ang programa niya sa ANC ang Headstart kahit siya'y patuloy na nagpapagaling sa kanilang tahanan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"GUYS. The vaccines work! We are living proof. Get your shots. Get your boosters NOW. Do this out of love for yourself & your family this 2022," payo naman niya sa publiko lalo na at patuloy na tumaas ang kaso ng COVID-19 dahil sa paglaganap umano ng Omicron at maging ang Delta variant na kumakalat pa rin.

Narito ang kabuuan ng kanyang post:

Si Karen Davila ay isang multi-awarded broadcast journalist na pinarangalan ng TOYM (The Outstanding Young Men) Awards for Broadcasting noong 2008 at TOWNS (The Outstanding Women in the Nation’s Service) Award for Broadcasting (2013).

Read also

Ina ng magkapatid na Maguad, may update sa isa pang suspek: "The other is a sacristan"

Sa ngayon, aktibo na rin siya sa bilang isang YouTube content creator. Isa sa mga kinagiliwan ng mga tao ay ang panayam niya kay Lyca Garanoid kung saan naging viral ang reaksyon niya nang malaman niyang pareho ang petsa ng kanilang birthday.

Si Karen din ang nakapagkumbisi sa kanyang best friend na si Kim Atienza na pasukin na rin ang pagiging isang YouTuber.

Source: KAMI.com.gh

Tags:
Hot:
Online view pixel