Street sweeper na 2 oras pumila ngunit di nakabili ng sapatos, nabigyan ng 3 pares

Street sweeper na 2 oras pumila ngunit di nakabili ng sapatos, nabigyan ng 3 pares

- Viral ang post ng isang coffee shop owner patungkol sa natulungan nilang street sweeper

- Naghabilin daw ito ng bike sa kanilang coffee shop na katabi lang ng shoe store kung saan bibili ng sapatos bilang pamasko sa sarili

- Napapansin na ng coffee shop owner na nasa dalawang oras nang nakapila ang street sweeper subalit nang balikan ang bike, wala raw nabili at wala raw siyang size

- Hindi naman umuwing luhaan ang street sweeper na natulungan ng coffee show owner at ng may-ari rin ng building kung nasaan ang shoe store

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Nakakaantig ng puso ang tulong na nagawa ng coffee shop owner ng 'The Cooking Dad Bake & Brew' sa isang street sweeper na nais magkaroon ng bagong sapatos noong Pasko.

Pahayag ni John Eric Enopia, may-ari ng coffee shop na inihabilin lang ng street sweeper na nagpidal mula Parañaque papuntang Imus, Cavite ang kanyang bike para makapila sa kalapit na shoe store.

Read also

Madam Kilay, ibinahagi ang naipundar na property na katas ng kanyang vlogging

Street sweeper na 2 oras pumila ngunit di nakabili ng sapatos, nabigyan ng 3 pares
Photo from The Cooking Dad Bake & Brew
Source: Facebook

Napansin ni John Eric na inabot na ng nasa dalawang oras ang pagpila nito subalit nang balikan ang bike, nanlulumong hindi nakabili ng sapatos.

"Sabi ko, hindi pwede teka gawan natin ng paraan. Kinausap ko yung staff ng shoe store, sabi ko hanapan nyo sya ng size kahit anong design. Ako magbabayad," pahayag ni John Eric.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nang makita naman sila ng may-ari ng building kung nasaaan ang shoe store na si 'Sir Sherwin', naikwento ni John Eric ang nangyari.

Agad namang sinabi ng kanilang sir Sherwin na dagdagan pa ng dalawang pares ang ibibigay sa street sweeper at siya naman ang magbabayad.

Kaya naman tatlo ang naiuwing mga bagong sapatos ng street sweeper na labis namang ikinatuwa at ipinagpasalamat ang hindi inaasahang pangyayari.

Narito ang kabuuan ng nakaka-inspire na post:

Read also

Kakaibang wedding reception sa Quezon City, viral sa social media

Nakatutuwang isipin na dumarami na sa ating mga kababayan ang nagagawang tumulong sa kani-kanilang paraan para maipadama ang pagmamalasakit nila sa kapwa.

Nariyan din ang mga vloggers na may camera man o wala ay nagagawang magbahagi ng biyaya sa kapwa lalong-lalo na sa mga nangangailangan.

Isa na rito ang YouTube Star na si The Hungry Syrian Wanderer na kahit hindi Pasko ay patuloy na nag-iikot para makapagbigay saya sa mga naghihikahos nating mga kababayan.

Maging si Ivana Alawi ay kilala rin sa pagbabahagi niya ng biyaya hindi lang sa ating mga kababayan kundi maging sa kanyang mga kaibigan at lalo na sa kanyang pamilya.

Sana'y ang mga tulad nila ay pamarisan din ng iba na tumulong sa abot ng kanilang makakaya upang maipadama sa kapwa na mayroon pa ring nagmamalasakit sa kanila.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica