"Mang Boy," pina-Tulfo ng mga kapitbahay niyang nakaalitan

"Mang Boy," pina-Tulfo ng mga kapitbahay niyang nakaalitan

- Naging viral kamakailan ang video ng isang retired pulis na kaalitan ang ilang kabaranggay na nag-iinuman

- Makikita sa video na may dala itong mahabang bagay na ayon sa mga nagrereklamo ay ginamit niya upang tagain ang speaker

- Sa pakikipag-usap ni Atty. Gareth Tungol kay "Mang Boy," sinabi nito na flat iron umano ang hawak niya sa viral na video

- Gayunpaman, base sa video ay sinabi ni Atty. Tungol na mukhang hindi iyon flat iron dahil mukhang may handle umano ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nakarating na sa programang Raffy Tulfo in Action ang viral na si "Mang Boy." Ito ang retired police na makikita sa isang video kung saan may hawak itong mahabang bagay na ayon sa mga nagrereklamo ay ginamit niya upang tagain ang speaker.

"Mang Boy," pina-Tulfo ng mga kapitbahay niyang nakaalitan
Raffy Tulfo (@raffytulfoinaction)
Source: Instagram

Ayon kay Mang Boy, pinagsabihan na umano niya ang mga ito na hinaan ang kanilang tugtog dahil aniya ay sobrang lakas na nito. Gayunpaman, narinig niya umanong sinabi ng isa sa kanila na hayaan lang siya dahil "retarded" na umano ito. Nagtawanan pa umano ang mga ito.

Read also

Edu Manzano, pumasok noon sa klase ni Direk Joey Reyes na tuwalya lang ang suot

Itinanggi din ni Mang Boy ang akusasyon na sandata iyong kanyang hawak. Aniya, bakal lamang ang kanyang dala. Gayunpaman, base sa video ay sinabi ni Atty. Tungol na mukhang hindi iyon flat iron dahil mukhang may handle umano ito.

Ayon sa nagrereklamo, nangangamba sila para sa kanilang buhay dahil nakarinig umano silang may pagbabanta ito. Gayunpaman, ayon kay Atty. Gareth, mahirap iyon i-establish dahil "hearsay" lamang ang kanilang akusasyon tungkol sa pagbabanta at wala silang kongkretong ebidensiya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Pinagsabihan din ni Atty. Gareth ang mga nagrereklamo kaugnay sa kanilang pag-inom sa labas.

Ang programa ni Raffy Tulfo na Raffy Tulfo in Action ay nagsisilbing takbuhan ng mga taong walang malapitan lalo na kung sila ay naaapi at nagigipit. Maging ang mga taong walang kakayahang magbayad para sa abogado ay kanilang tinutulungan.

Read also

Kris Aquino, binahagi ang huling text message ni Mel Sarmiento sa kanya

Naglunsad din sila ng kanilang community pantry upang makapagbigay tulong sa mga hirap para sa pang-araw-araw na pagkain. Nakaikot ito sa pitong barangay sa Kamaynilaan.

Kamakailan, isang litrato ng matanda na naghahanapbuhay at namumuhay nang mag-isa ang nakarating kay Raffy Tulfo at nangako itong magbibigay ng tulong sa matanda.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate