Atty. Larry Gadon, pinatawan ng Korte Suprema ng preventive suspension

Atty. Larry Gadon, pinatawan ng Korte Suprema ng preventive suspension

- Pinatawan ng preventive suspension ng Korte Suprema ang kontrobersiyal na abogadong si Atty. Latty Gadon

- Ito ay kaugnay sa viral niyang video kung saan pinagmumura nito ang isang mamamahayag

- Binigyan din si Gadon ng 10 araw upang magpaliwanag kung bakit hindi siya dapat tanggalan ng lisensiya bilang isang abogado

- Nauna na ring sinuspinde ng Korte Suprema si Gadon sa loob ng tatlong buwan kaugnay sa isa pang disbarment case laban dito noong 2019

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Tuluyan nang sinuspinde ng Korte Soprema si Atty. Larry Gadon dahil sa kanyang kontrobersiyal na video sa social media kung saan pinagmumura nito ang isang mamamahayag na si Raissa Robles.

Atty. Larry Gadon, pinatawan ng Korte Suprema ng preventive suspension
Atty. Larry Gadon
Source: Facebook

Binigyan din si Gadon ng 10 araw upang magpaliwanag kung bakit hindi siya dapat tanggalan ng lisensiya bilang isang abogado. Bago pa ito ay may mga nanawagan na patawan ng disiplina si Gadon dahil sa kanyang pahayag laban kay Robles na ayon sa ilan ay maituturing na insulto sa mamamahayag at maging sa buo ring legal profession.

Read also

Cochi ni Marvin, tinatangkilik pa rin: "We are roasting now your cochi orders"

Nauna na ring isinuspinde ng Supreme Court si Gadon sa loob ng 3 buwan kaugnay sa isa pang disbarment case laban dito noong 2019.

Hinihingan din ng SC ang Integrated Bar of the Philippines ng status report sa admin cases laban kay Gadon na nakabinbin sa IBP.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sinabi ni Gadon na pinagkaitan siya ng due process. Umalma si Gadon sa naging hakbang na ito mula sa Korte Suprema.

“For an institution that prides itself for safeguarding due process of laws, I am confused that the Supreme Court immediately suspended me without due process and my suspension was announced in the media without furnishing me first with a copy of the complaint, if there is any,” aniya.

Si Lorenzo “Larry” Gacilo Gadon ay ang dating legal counsel ni former President Gloria Arroyo. Tumakbo siya bilang senador sa ilalim ng partidong Kilusang Bagong Lipunan (KBL) noong 2016 ngunit hindi pinalad na manalo. Inihayag niyang naniniwala siyang nadaya umano siya noong 2019 elections.

Noong 2017, isa siya sa nagsampa ng reklamo laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno. Matatandaang lumabas din ang balitang balak ni Gadon na magsampa ng impeachment case laban kay Vice President Leni Robredo.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate