Ina ng suspek sa umano'y pagpaslang sa Maguad siblings, lumuhod sa magulang ng mga biktima

Ina ng suspek sa umano'y pagpaslang sa Maguad siblings, lumuhod sa magulang ng mga biktima

- Humarap ang ina ni alyas 'school girl' sa mga magulang ng magkapatid na Maguad

- Lumuhod at humingi ito ng tawad sa 'di umano'y nagawa ng kanyang anak sa mga biktima

- Nangako naman ang ina ng suspek na makikipagtulungan ito sa kaso para makamit ang hustisya sa Maguad siblings

- Matatandaang sa libing ng magkapatid nanawagan ang ina nila na huwag maliitin ang kakayahan ng mga kabataang may edad 18 pababa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Lakas-loob na humarap ang ina ni alyas school girl na umano'y suspek sa pagpaslang sa magkapatid na Maguad sa mga magulang ng biktima.

Sa tulong ng Newsline Philippines, nakipagkita ang ina ni school girl sa mag-asawang Maguad at agad itong lumuhod para humingi ng tawad.

Ina ng suspek sa umano'y pagpaslang sa Maguad siblings, lumuhod sa magulang ng mga biktima
Ang mga magulang ng Maguad siblings (Photo from Newsline Philippines)
Source: Facebook

Maayos siyang hinarap ng mga magulang ng biktima at nakapaglabas siya ng saloobin sa nangyari.

Read also

Viral na balikbayan na umalis sa quarantine facility, umamin na

Aniya sa wikang Bisaya, alam niya ang nararamdaman nina Cruz at Lovella Maguad at hindi rin niya mapigilang maiyak tuwing nakikita niya ang larawan ng mga bata.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nangako naman siyang makikipagtulungan sa pagkamit ng hustisya sa biglaang pagkawala ng magkapatid.

Ayon sa mag-asawang Maguad, ang ina ni school girl ang makatutulong sa kanila upang malaman ang buong katotohanan sa likod ng walang-awang pamamaslang sa kanilang mga anak.

Sinubukan mang makipag-usap na ng ina kay alyas school girl na nasa kustodiya ng DSWD subalit hindi pa muna ito pinahintulutan.

Narito ang kabuuan ng video mula sa Newsline Philippines:

Disyembre 10 nang matagpuan ng kanilang ama ang magkapatid na Maguad na wala nang buhay sa kanila mismong tahanan.

Sinasabing ang adopted school girl nila ang tanging nakaligtas na nakapagtago umano sa loob ng kwarto nito.

Read also

Virgelyn, namahagi ng pera sa mga magsasaka at sa mga nadaanan sa lansangan

Kalaunan, inamin ng adopted school girl na isa siya sa responsable sa pagpaslang sa magkapatid at patuloy na pinaghahanap ang kasabwat nito.

Hiling ng marami ang hustisya para sa magkapatid na Maguad tulad na lamang ng brutal na pamamaslang sa mag-inang Gregorio at maging ang hindi na umano nareresolbang kaso ng lady driver na si Jang Lucero.

Ipinapaalala lamang ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica