Mag-asawa, nagreklamo matapos masira ang araw ng kasal dahil sa caterer
- Naging bangungot para sa mag-asawa ang kanilang naranasan sa mismong araw ng kanilang kasal
- Bukod sa walang mga upuan at mesa na naka-set-up sa kanilang venue, nakalagay lang sa supot ang kanilang mga pagkain
- Dipensa naman ng caterer, hindi sa kanya galing ang pagkain kundi sa ka-tie up nila at biktima din daw siya kagaya ng mag-asawa
- Katwiran naman ni Atty. Sam Ferrer, siya ang kausap ng mag-asawa kaya siya ang may pananagutan sa nangyari
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Matindi ang kahihiyang inabot ng magkasintahang walong taon na hinintay ang espesyal na araw ng kanilang pagpapakasal. Bukod sa walang mga upuan at mesa na naka-set-up sa kanilang venue, nakalagay lang sa supot ang kanilang mga pagkain.
DUmulog ang mag-asawa sa Raffy Tulfo in Action at humingi ng tulong upang mapanagot ang caterer na sumira sa kanilang espesyal na araw.
Katwiran ng caterer, hindi sa kanya galing ang pagkain kundi sa ka-tie up nila at biktima din daw siya kagaya ng mag-asawa. Gayunpaman, sinabi ni Atty. Sam Ferrer na siya ang kausap ng mag-asawa kaya siya ang may pananagutan sa nangyari.
Nakausap din nila ang tinuturong ka-tie up ng caterer at nilinaw niya din ang kanyang panig. Desidido naman ang mag-asawa na turuan ng leksiyon ang caterer upang hindi na ito makaulit na makapanloko umano at nang hindi na rin daw pamarisan ng iba pang mga catering service.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Nanindigan silang hindi sila magpapaareglo kahit pa bigyan sila ng milyon-milyong pera dahil anila ay hindi biro ang kanilang dinanas na kahihiyan. Desidido din si Atty. Sam na maipakulong ang caterer.
Sa kasalukuyang panahon na lahat ng pangyayari ay maaring ibahagi sa social media, naging mas madali para sa netizens ang makakuha ng mga impormasyon at bagong kaalaman.
Kaya naman, hindi nakakapagtaka na mabilis na kumalat ang mga video at balitang kakaiba o hindi pangkaraniwan.
Isa sa nag-viral na video kamakailan ay ang pag-iyak ng isang bride matapos silang lokohin ng kanilang wedding coordinator. Kasunod ng pag-viral ng video niya ay bumuhos ang simpatya at may ilang mga personalidad na tumulong sa kanila.
Source: KAMI.com.gh