Mga magulang ng Maguad siblings, bumuhos ang emosyon sa libing ng mga anak
- Nailibing na ang magkapatid na Maguad na walang-awang napaslang sa loob mismo ng kanilang pamamahay
- Nadurog lalo ang puso ng mga netizens nang makita ang video ng labis na pagluha ng kanilang mga magulang sa araw ng kanilang libing
-Itinuring na case solved na ang kaso matapos na umamin ng adopted school girl na siya umano ang resposable sa pagkamatay ng magkapatid na Maguad
- Nanawagan din ang ina ng magkapatid na Maguad na huwag isawalang bahala ang kakayahan ng mga may edad 18 pababa na kayang gumawa ng karumal-dumal na krimen
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Naihatid na sa huling hantungan ang magkapatid na Maguad na walang-awang pinaslang sa loob mismo ng kanilang tahanan.
Nalaman ng KAMI na nitong Disyembre 20, matapos ang isang misa ay inihatid na ng mga nagmamahal at nagmamalaskit sa magkapatid na Maguad ang kanilang labi.
Ilang video ang kumakalat ngayon online kung saan makikita ang labis na pagluha ng kanyang mga magulang gayundin ng mga nakiramay at naghatid sa kanila sa kanilang paghihimlayan.
Sa ulat ng Newsline Philippines (13:35), maririnig sa mga video ang panaghoy ng mga tao hindi lamang ng mga magulang ng magkapatid.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Samantala, itinuring na solved na ang kaso matapos na umamin ng suspek na adopted school girl ng pamilya. Kasalukuyang nakalagak ito sa Department of Social Welfare and Development.
Disyembre 10 nang matagpuan ng kanilang ama ang magkapatid na Maguad na wala nang buhay sa kanila mismong tahanan.
Sinasabing ang adopted school girl nila ang tanging nakaligtas na nakapagtago umano sa loob ng kwarto nito.
Kalaunan, inamin ng adopted school girl na isa siya sa responsable sa pagpaslang sa magkapatid at patuloy na pinaghahanap ang kasabwat nito.
Hiling ng marami ang hustisya para sa magkapatid na Maguad tulad na lamang ng brutal na pamamaslang sa mag-inang Gregorio at maging ang hindi na umano nareresolbang kaso ng lady driver na si Jang Lucero.
Ipinapaalala lamang ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.
Source: KAMI.com.gh