Groom na kinabahan at namali sa kanyang wedding vows, kinagiliwan ng netizens

Groom na kinabahan at namali sa kanyang wedding vows, kinagiliwan ng netizens

- Viral ngayon ang video ng wedding vows kung saan tila kinabahan ang groom na namali-mali na ang sinabi

- Imbis na 'tinitipan kita bilang aking may bahay' ang kanyang sinabi, "kanyang bahay, na may bahay aking bahay"

- Pati ang pari ay idinaan ito sa biro at sinabing 'house and lot' daw ang nais ng groom at hindi ang kanyang bride

- Kahit na dinidiktahan na ito ng pari, tila lalong kinabahan ang groom kaya naman pinabasa na ng pari ang kanyang dapat na sabihin

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kinagiliwan ng mga netizens ang viral video ng groom na tila kinabahan at nagkanda-mali mali sa pagbigkas ng kanyang wedding vows.

Nalaman ng KAMI na imbis na 'may bahay' ang kanyang sasabihin, "kanyang bahay, na may bahay aking bahay" na ang kanyang nasambit.

Read also

Neri Miranda, umalma sa netizens na nang-intriga sa kanyang family picture

Groom na kinabahan at nagkanda-mali mali ang wedding vows, kinagiliwan ng netizens
Photo from RBN News Television
Source: Facebook

Dahil dito, nagbiro ang pari na tila 'house and lot' ang hanap ng groom at hindi ang kanyang bride na si Stephanie.

"House and lot ang gusto mo ha, hindi si Stephanie. Ulit, ulit... Basahin mo na nga!" ang nasabi ng pari.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Diniktahan na nito ang groom na sa kaba ay namamali pa rin sa kanyang sinasabi.

Kaya naman pinabasa na ng pari ang wedding vows na namali pa rin ito ng basa sa 'hirap' na 'harap' ang kanyang nasambit.

Maging ang bride ay natatawa na lamang sa mga nasasabi ng kanyang groom habang pinakakalma niya ito sa paghagod niya sa pisngi nito.

Narito ang kabuuan ng video na naibahagi rin ng RBN News Television:

Kamakailan, nag-viral din ang video ng pari na siyang nagkasal mismo sa kanyang ex-girlfriend. Nakatutuwang inamin niya ito sa kasal na nilarawan niyang doon lamang siya pinagpawisan nang husto.

Read also

Atty. Sam Ferrer ng RTIA, 'di nakapagpigil sa umano'y nagpanggap na nurse; "Nakakapikon!"

Naging agaw-eksena rin ang isang kasalan na Php3,000 lang ang nagastos ng bride at groom sa kanilang wedding reception na ginanap sa Mang Inasal.

Gayundin ang isang bride na ayaw ng enggrandeng kasalan kaya naman niregaluhan na lamang siya ng kanyang groom ng 6000 sqm na lote.

Sa panahon ng pandemya, ilan lamang sila sa mga hindi nagpatinag sa virus at itinuloy pa rin ang kanilang pag-iisang dibdib. Siniguro lamang nila ang safety protocols at tamang bilang ng mga panauhin.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica